Questions


October 2021 1 8 Report
A. Panuto: Isulat ang letra mula A - J upang maitama ang pagkakasunud-sunod ng
mga pangyayari ng Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo sa Timeline.

1. Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti
niya ang ilang mga kabanata.

2. Sa gitna ng mga pag-aalalang ito, ginigiyagis si Rizal ng mga personal at pulitikal
na suliranin; nangungulila siya kay Leonor Rivera at waring walang kasiglahan ang
insipirasyong dulot ng paniningalang-pugad kay koooellie Boustead;

3. Sinimulan ni Rizal and nobelang El Filibusterismo sa harap ng karanasang ito.
Magkakabisa sa kanya kaipala ang mga sakit sa loob na dinanas niya at ng kanyang pamilya.

4. Sa kabutihang palad, nang lahat ang pag-asa ni Rizal, dumating ang hindi niya
inaasahang tulong.

5. Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal noong Oktubre 1887, marami
ng kasawiang dinanas ang kanyang mga kamag-anakan at kaibigan dahil sa pagkakasulat
niya ng Noli Me Tangere.

_6. Natapos limbagin ang aklat noong Setyembre 18, 1891 sa Ghent, Belgium.
Inihandog ni Rizal ang nobela sa alaala ng mga paring sina Gomez, Burgos at Zamora.

7. Nilisan ni Rizal ang Pilipinas noong Pebrero 3, 1888 dahil sa pangamba niyang
manganib ang buhay ng mga ahal sa buhay.

8. Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram
ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat.​

9. Hindi nagwakas sa paglisan ni Rizal ang suliranin. Ang kanyang pamilya ay inusig.
Umakyat ang kaso sa lupa ng mga Mercado-Rizal hanggang Kataastaasang Hukuman ng
Espanya.

10. Sa El Filibusterismo, ipinakilala ni Rizal ang isang pagbabanyuhay niya
bilang nobelista

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.