A. Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang talata. Sagutin ang kasunod na mga tanong sa iyong sagutang papel. Saldt na Nakapaparalisa Ang Poliomyelitis o mas kilala natin sa tawag na Polio ay isang mapanganib at nakahahawang sakit na dulot ng Poliovirus. Ito ay nakapapasok sa katawan ng tao sa pamamagitan ng bibig. Mabilis itong dumami sa loob ng bituka na siyang nagpapahina sa pasyente. Kapag di naagapan, kumakalat ito sa nervous system at dumaraan sa galu god (spine) papunta sa utak ng tao na nagiging sanhi ng kaniyang pagkaparalisa o pagkalumpo. Kapag lumala nang sobra, nauuwi ito sa kamatayan ng may sakit. Ang Poliovirus ay nakukuha sa dumi ng tao. Ito ay nakapapasok sa katawan at naipapasa sa ibang tao. Ito ay maaari ring kumalat sa pamamagitan ng pagkain at inumin na kontaminado ng dumi ng may impeksiyon tao. Upang maiwasan ang pagkakasakit ng Polio, hinihikayat ng pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Health ang lahat ng mga magulang na pabakunahan ang kanilang anak ng Inactivated Polio Vaccine (IPV). Ang bakunang ito ay nakatutulong upang mahadlangan ang pagpasok ng Polio Virus sa katawan ng tao. Melinda Lourdes C. Amoyo, Sabang Central Elem. School, Borongan City Division, DepEd Region VIII Mga Tanong: 1. Tungkol saan ang binasa? 2. Ano ang sakit na ito? Itala ang mga detalye kaugnay sa sakit na ito. 3. Paano nakukuha, naipapasa, o nakahahawa ang sakit na Polio? 4. Paano maiiwasan ang sakit na Polio?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.