- Nagiging iritable at hindi aktibo ang pag-iisip ng taong mahilig magpuyat. Ayon sa isang pag-aaral, ang kakulangan sa tulog ay nakasasama sa ating puso. Nagiging sanhi ito ng pagtaas ng blood pressure sa mga matatanda.
- Maaari ring makakuha ng iba’t ibang sakit gaya ng heart attack, heart failure, irregular heartbeat, stroke at diabetes.
PAGKAKAROON NG TIGYAWAT
- Marami rin sa ngayon ang nagpupuyat dahil sa kanilang inaabangang teleserye o palabas tuwing gabi. May ilan din na nahihilig maglaro ng online games at manood ng telenovela sa online. Mahirap din kasing ma-miss ang episode ng inaabangang palabas.
- Gayunpaman, ang pagpupuyat na ito ay nagiging sanhi ng pagkakaroon ng tigyawat. Wala naman daw koneksiyon ang pagkakaroon ng tigyawat sa pagpupuyat. Pero ayon sa isang pag-aaral ang pagpupuyat at kakulangan sa tulog ay nagbabawas sa ating katawan ng oras upang makapagpahinga. Ito ay maaaring magdulot din ng stress, pagtaas ng insulin at depresyon.
NAGIGING DAHILAN NG FATIQUE AT PAGIGING MAKAKALIMUTIN
- Ang kakulangan sa pagtulog ay nagiging dahilan din ng fatigue at napalalapit sa aksidente. Kapag ikaw ay bumibiyahe at nagpupuyat sa pag-drive, kailangan mas maging alerto at maingat dahil ito ang mga nagiging rason ng pagdami ng aksidente sa kalsada
- Ang pagtulog ay importante sa ating cognitive learning process. Kapag kulang sa tulog, ikaw ay humihina pagdating sa pag-alala at pagkuha ng mga impormasyon mula sa pakikipag-usap sa ibang tao.
- Ayon sa isang pananaliksik, kung wala kang tamang tulog ay hindi mo na maalala ang mga bagay na ginawa mo buong araw.
NAKAPAGPAPAPANGIT NG BALAT AT NAKALALAKAS NG KAIN
- Nasisira ang balat kapag ikaw ay nagpupuyat. Ito ay nagiging dahilan ng pamumutla at pagkakaroon ng eyebags.
- Ang tamang oras ng pagtulog ay nagpapanatili sa ating wastong pagkain. At kung kulang sa tulog, napalalakas nito ang pagkonsumo ng pagkain. Dahil sa kakulangan sa tulog, para makabawi ang katawan ay maya’t maya ka kung maghanap ng pagkain.
- Kaya’t nang maiwasan ang pagkakaroon ng eyebags, pamumutla at pagiging obese, iwasan ang pagpupuyat.
NAGIGING DAHILAN NG MICROSLEEP O BLACKOUT
- SLEEP-1Nagkakaron ang isang tao ng tinatawag na microsleep. Hindi mo namamalayan na ikaw ay nakatutulog kahit na may ginagawa. Ang microsleep ay tulad din ng blackout at hindi nababatid ng taong may ganitong karamdaman.
- May mga bagay rin na dapat nating isaalang-alang upang maiwasan ang pagpupuyat.
- Bawasan ang pag-inom ng mga inuming may mataas na caffeine content tulad na lang ng kape at soda.
- Dapat ay may sapat na eherisyo sa umaga. Subukan ding ipahinga ang katawan bago matulog. Iwasan ang paninigarilyo Gawing tahimik at komportable ang kuwarto. Kumain ng tamang pagkain at iwasan ang pagtulog nang gutom.
- Nakatutulong upang makatulog ng mahimbing ang saging, tuna, patatas, avocado. Habang nasa kama naman, iwasan ang pagkain.
- Hilig pa naman ng ilan sa atin na habang nanonood ng telebisyon ay kumakain din.
- Ang pagtulog ay isa sa mahalagang bagay na kailangan ng ating katawan. Katulad din ng pagkain, paghinga at pag-inom ng tubig, ang pagtulog ay nagsisilbing tamang pundasyon para sa ating kalusugan. Ito ay nagpapahaba ng ating buhay. Napananatili ang malusog na puso. Naiiwasan ang pagiging bugnutin, maiinitin ang ulo at pabago-bago ng mood.
- Napag-alaman ng Sleep, Metabolism and Health Center ng University of Chicago na ang slow wave sleep o ang pagtulog ng mahimbing ay nakatu-tulong sa ating metabolism at sa kalusugan ng puso.
- May masasamang epekto ang pagpupuyat kaya naman sikaping makatulog ng mahimbing nang maiwasan ang masamang epekto nito habang maaga pa. Huwag hintaying magsisisi sa bandang huli.
Answers & Comments
EPEKTO SA KALUSUGAN NG PAGPUPUYAT
PAGIGING IRITABLE AT HINDI AKTIBO ANG PAG-IISIP