29. Malalaman kung naging mapanagutan ang paggamit ng kalayaan kung hindi sumasalungat sa Likas na Batas Moral. Piliin sa mga sumusunod ang tamang katwiran hingil dito. *
1 point
A. Ang tunay na kalayaan ay mapanagutan.
B. Ang tao ay may kakayahang magsuri at pumili ng nararapat.
C. Ang bawat kilos o pagpapasya ay may katumbas na epekto, mabuti man o masama.
D. Ang mga batas na ito ang siyang batayan sa pagsasaalang-alang sa pagkilala ng kabutihang pansarili at kabutihang panglahat.
30. Pagkatapos ng recess ay niyaya ka ng iyong mga kaklase na magcutting upang magpustahan sa larong bilyar. Tumanggi ka sa kanilang plano ngunit tinutukso ka nilang takot sa magulang at duwag. Ano ang pinakamainam mong gawin? *
1 point
A. Pagsabihan ang mga kaklase na hindi mabuti ang ganitong gawain, makakasama sa grado at makakasira sa tiwala ng mga magulang.
B. Pagbigyan ang mga kaklase upang hindi mabully. Pero sa susunod na sila ay manghikayat muli, ay hinding-hindi na sasama.
C. Himukin ang mga kaklase na pagkatapos ng klase magpustahan sa bilyaran.
D. Isipin na baka malaman ng mga magulang kung magka-cutting sa klase.
31. Bakit may pagkakaiba-iba ang tao kahit matalino, talentado at magaling siya sa maraming bagay? *
1 point
A. Dahil sa pagkakapantay-pantay ng lahat
B. Dahil sa kalayaang ipinagkaloob
C. Dahil sa paggamit ng isip at kilos-loob
D. Dahil sa pagiging angat sa iba
32. Ang tao ay may taglay na dignidad. Ano ang nararapat ibigay sa tao? *
1 point
A. pagmamalasakit at pag-unawa
B. pagpapahalaga at paggalang
C. pagkalinga at paggalang
D. pagkilala at pagtulong
33. “Ang tao ay naiiba sa lahat ng nilalang, “ayon kay Immanuel Kant. Ano ang ibig sabihin nito? *
1 point
A. Ang tao ay mayroong hindi nawawala at mapapantayang halaga dahil sa kanyang isip at kalayaan.
B. Ang tao ay may angking talento at galing.
C. Ang tao ay may kakayahang kumilos.
D. Ang tao ay mula sa iba’t ibang lahi.
34. “Kumilos ka nang palagian at magkaalinsabay mong tratuhin ang sariling pagkatao at ang pagkatao ng iyong kapuwa hindi lamang bilang isang kasangkapan kundi bilang isang telos”. Ano ang kaisipang nakapaloob sa pahayag? *
1 point
A. Ang tao ay hindi maaring ituring na kasangkapan o bagay dahil siya ay may kakayayahang mag-isip o pagiging rasyonal.
B. Ang tao ay nililinang ang pagkatao.
C. Ang tao ay nilikha ng Diyos.
D. Ang tao ay pantay-pantay.
35. Ang tao ay may isip na nagbibigay sa kaniya ng kakayahang umunawa ng konsepto, mangatuwiran at magmuni-muni. Dahil din sa taglay niyang kilos-loob, may kakayahan siyang kilalanin at piliin ang mabuti. “Kung ang mga ito lamang ang pamantayan sa paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao, paano naman ang mga taong isinilang na may sakit sa isip, mga nawalan ng katinuan dahil sa mga pangyayari sa kanilang buhay, mga ulyanin na hindi na makapag-isip?” Mahalagang tandaan na hindi naaalis o natatanggal ng mga pangyayaring ito sa kanilang buhay ang dignidad nila bilang tao. Kaya, hindi sila nawawalan ng karapatan na pahalagahan at igalang. Ano ang ipinababatid ng pahayag na ito? *
1 point
A. Lahat ng tao anoman ang kalagayang pisikal at mental ay may dignidad na nararapat pahalagahan at igalang.
B. Ang tao ay may isip at kilos-loob.
C. Ang tao ay may kilos-loob.
D. Ang tao ay may isip.
36. Ano ang batayan ng paggalang sa dignidad ng tao? *
1 point
A. Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang pagmamahal at pagpapahalaga.
B. Maging tapat sa lahat ng ginagawa at sa pakikitungo sa kapwa.
C. Ang kakayahang mag-isip at pagiging malaya.
D. Ang pagkakaroon ng tao ng isip lamang.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.