21. Bakit mahalagang hayaan ng isang magulang ang kanyang anak na sumubok na pumili at magpasya para sa kanyang sarili? *
1 point
A. Ito ang magbibigay sa kanila ng karanasang magagamit na gabay sa isasagawang pagpapasya sa hinaharap.
B. Ang pagkakataong ibinigay ng magulang ang nagtuturo sa mga anak na sumunod mula sa pag-unawa at pagmamahal at hindi sa pamimilit.
C. Maiiwasan ang pagrerebelde ng isang anak dahil sa labis na pagnanais ng magulang na magabayan ang kanyang anak patungo sa mabuting landas.
D. Ang pagiging Malaya sa pagpapasya ng isang anak ay maaaring magdulot ng sakit dahil sa pagkakamali ngunit dito sila natututo ng mahalagang- aral.
22. Ang tunay na Kalayaan ay paggawa ng Mabuti. Ang pangungusap ay ______. *
1 point
A. Tama, dahil ang tao ay nagmamana ng kabutihan sa kanilang magulang.
B. Tama dahil ang tunay na kalayaan ay mapanagutan at pagkilos ng ayon sa kabutihan.
C. Mali dahil ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti ayon sa paghusga ng tao.
D. Mali dahil ang tunay an Kalayaan ay paggawa ng naaayon sa iyong ninanais na mangyari.
23. Masama ang loob ni Veronica sa kanyang mga magulang dahil hindi siya pinayagang sumama sa party ng kanyang kaibigan. Naglayas siya at sinabi sa matalik na kaibigan kung saan siya pupunta subalit hindi ito dapat malaman ng kanyang mga magulang at kabilinbilinan na huwag ituturo kung san siya pupunta. Ano ang nararapat gawin ng matalik na kaibigan kung siya ay tatanungin ng magulang ni Veronica? *
1 point
A. Maging tapat sa kaibigan.
B. Sabihin kung nasaan si Veronica dahil yun ang dapat gawin upang maging maayos ang lahat.
C. Iwasan na lamang ang mga magulang ng kaibigan.
D. Sumama sa paghahanap.
24. Sino-sino sa mga kabataang ito ang nagpapakita ng tunay na kalayaan? *
1 point
A. Si Agatha na nasa loob ng bahay tuwing sabado at tumutulong sa mga gawaing bahay.
B. Si Mae na masayang nakikipagdate sakanyang kasintahan sa plaza malapit sa bahay nila.
C. Si Renato tahimik na nanunood ng malaswang panuorin kasama ang barkada.
D. Si Stephany na pinayagan ng mga magulang na sumama sa mga kaibigan na mag- outing.
25. Kabilang si Mark sa fraternity na nag-hazing sa kabilang barangay. Sa kasamaang palad namatay ang neophyte na kasapi nila. Sinabi ni Mark sa mga imbestigador ang kanyang nalalaman, nauwi sa pagkakakulong ni Mark ang pagsasabi niya ng katotohanan. Malaya ba si Mark? *
1 point
A. Oo Dahil ang pagsasabi ng katotohanan ay mabuti.
B. Oo dahil nabigyan ng katarungan ang biktima.
C. Hindi dahil marami ng patakaran sa loob ng jail na dapat sundin.
D. Hindi dahil hindi na niya magagawa ang ano mang naisin.
26. Ang kalayaang ng tao ay hindi lubos. Ang pangungusap ay nangangahulugan na: *
1 point
A. Ang tunay na kalayaan ay paggawa ng kabutihan
B. Ang tao hindi maaaring mamili batay sa kanyang nais lamang.
C. Ang kalayaan ng tao ay natatapos kung magkakaroon siya nang paglabag sa likas na batas moral.
D. Ang tao ay walang tunay na kalayaan hanggat siya ay namamatay ang katawang lupa.
27. Pangarap mong maging isang abogado balang araw. Ngunit tutol ang iyong pamilya dahil sa pinansiyal na sitwasyon. Mahirap ang iyong pamilya sapagkat walang permanenteng trabaho ang iyong mga magulang. Paano mo magagamit ang kalayaan sa ganitong sitwasyon? *
1 point
A. Sundin ang payo ng mga magulang, sapagkat sila lang ang tunay na nakakaalam kung ano ang iyong mararating.
B. Mag-aral nang mabuti at humanap ng mga scholarship pagkatapos ng highschool upang maipagpatuloy ang minimithing pangarap.
C. Tumigil muna at magtrabaho. Mas nangangailangan ang pamilya ng pera na magagamit sa pang-araw-araw na gastusin tulad ng pagkain.
D. Huwag pansinin ang sinasabi ng mga magulang sapagkat sila ay walang mataas na pangarap.
28. Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon, alin ang hindi nagpapakita nang mapanagutang paggamit ng kalayaan? *
1 point
A. Nais ni Aling Lian na magkaroon ng mapagkukunan ng malinis na tubig sa kanilang lugar sapagkat nasa kabilang barrio pa ang kanilang pinag-iigiban. May tindahan sila at maganda naman ang kinikita nito araw-araw. Mula sa kita, nagsimula siyang mag-ipon araw-araw upang makabili ng mga materyales sa pagpapagawa ng poso na pakikibangan ng lahat.
B. Kitang-kita ni Dan na gumagamit ng illegal na droga ang limang kalalahihan kasama si Kapitan Leroy na kanilang kapitbahay. Hindi siya mapakali ng araw na iyon kaya dumulog siya sa isang konsehal ng barangay upang isalaysay ang kaniyang nakita.
C. Nasagasaan si Jina ng isang kotse sa tapat ng eskwelahan. Natandaan ni Rei ang plaka ng sasakyan. Sa pagdating ng mga pulis upang mag-imbestiga, tikom ang bibig ni Rei dahil sa takot na siya ay mapadamay sa kaso.
D. Nahuli si Ane ng guro na may kodigo habang kumukuha ng pagsusulit. Lihim siyang kinausap ng guro at sila ay nagkaroon ng kasunduan na kakausapin ang magulang hinggil dito. Pag-uwi sa kanilang tahan ay inamin at humingi siya ng tawad sa kanyang mga magulang hinggil sa nagawang pagkakamali.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.