Questions


August 2022 1 4 Report
1.Ang epiko ay anyong pampanitikan na ______________. *
A.Tuluyan
B.Pormal
C.Patula
D.mpormal

2.Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng katangian ng pangunahingtauhan sa epiko? *

A.Karamihan ay nagtataglay ng di-pangkaraniwang kapangyarihan.
B.Namumuno at nagtatagumpay sa sinumang kaaway.
C.May kakayahang harapin ang mga hamon sa buhay para sa patuloy na pag-unlad.
D.Nakikipagsapalaran lamang para sa adhikaing makapaghiganti.

3.Ang epiko ay isang akdang nagsasalaysay tungkol sa ____________ ng pangunahing tauhan. *

A. Pakikipagkaibigan
B. Pagsusumikap
C. Pangarap
D. Pakikipagsapalaran

4.Pinaniniwalaan ng bansang India ang kagandahan, katotohanan, at kabutihan. Saan nakaugat ang kulturang ito ng mga Hindu? *

A. pilosopiya
B. ekonomiya
C. relihiyon
D. pamahalaan

5.Mahalaga ang kultura sapagkat ito ang ____________ ng kasaysayan ng isang bansa. *

A. simbolo
B. panitikan
C. salamin
D. yaman

6.Bakit hindi nagbago ang mga kinagisnang kultura at tradisyon ng bansang India? *

A.Ginaya ng mga Hindu ang kultura ng mga mauunlad na bansa sa Kanlurang Asya.
B.Napanatili at isinasabuhay ng mga Hindu ang kanilang kultura at hindi naimpluwensiyahan ng kultura mula sa mga karatig bansa.
C.Sa pagpasok ng maraming mga dayuhan sa bansang India ay natuto ang mga Hindu na isabuhay ang kultura ng ibang mga lahi.
D.Mahigpit ang mga Hindu sa pagpapasunod ng kanilang kultura sa mga mamamayan.

6.Ang pinakatanyag na uri ng pagbati sa mga Hindu. Ito ay parehong isinasagawa kapag bumabati sa pagdating o kaya ay namamaalam. Pinagdaraop nila ang kanilang dalawang palad at inilalagay sa ibaba ngmukha *

A.bunong-braso
B.namaste
C.pagkaway
D.pagmamano

7.Ang kultura ay salamin ng kasaysayan ng isang bansa. Isa rin ito sa kaniyang pagkakakilanlan. Mahalaga ang mga paniniwala, kultura at tradisyon mula sa nakalipas sapagkat ito’y daan para magkaroon ng kasaysayan sa kasalukuyan. Ano ang tinutukoy ng mga salitang, ITO at KANIYANG? *

A.kultura at Asya
B.kultura at bansa
C.kultura at panitikan
D.kultura at kasaysayan

8.Dinala ni Ravana si Sita sa Lanka, ang kaharian ng mga higante at demonyo.“Mahalin mo lang ako ay ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kayamanan,” sabi ni Ravana. Pero hindi niya napasuko si Sita. Ang hindi pagsuko ni Sita kay Ravana ay nangangahulugang

A.Natatakot
B.Hindi si Ravana ang kanyang gusto
C.Mahal ang kaniyang asawa
D.Naniniwala sa milagro.

9.Ito ay nangangahulugang awit o salawikain. *

A.Epos
B.Kur
C.Epikus
D.Biag ni Lam-ang

10.Ang Epos ay mula sa wika ng _____. *

A.Epiko
B.Kur
C.Epikus
D.Griyego

11.Ang tawag sa mga dakilang likha ni Kur na nang lumaon ay tinawag ng mga Espanyol na EPIKO. *

A.Epos
B.Kur
C.Epikus
D.Biag ni Lam-ang

12.Labis ang pagmamahalang ipinakita nina Rama at Sita. Aling salita sa pangungusap ang naghahambing ng higit na katangian? *

A.Labis
B.Kanila
C.Rama at Sita
D.Pagmamahalan

13.Ang dalawang bansa ay magkasingyaman sa kultura at tradisyon. Aling salita sa pangungusap ang nagpapakita ng paghahambing na magkatulad? *

A.bansa
B.kultura
C.tradisyon
D.magkasingyaman

14.Paano ipinakita sa epiko ang kabayanihan ng isang tao? *

A Sa pamamagitan ng pagnenegosyo o palitan ng kalakal.
B.Sa pamamagitan ng matinding pagdarasal sa Panginoon.
C.Sa pamamagitan ng pagtitiis ng anumang pagsubok sa buhay.
D.Sa pamamagitan ng pagtulong at paggawa ng kabutihan sa kapwa na walang hinihinging kapalit.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.