14. Nag-uusap kayong magkapatid hinggil sa problemang inyong kinakaharap sa araw-araw sa inyong pag-aaral sa panahon ng pandemya. May hindi ka sinang- ayunan sa desisyon ng iyong kapatid. Paano mo ihahayag ang iyong opinyon o pananaw? *
1 point
A. Mag-usap nga tayo ng maayos para magkaintindihan tayo.
B. Makinig ka nga sa akin, may maganda akong solusyon sa ating problema.
C. Ikinalulungkot ko na isa atin ay may dapat pag-isipan bago magdesisyon.
D. Sasabihin ko sa aking nanay na kampihan ako para mas maging matibay ang aking desisyon.
15. May bagong proyektong inilatag ang pangulo ng SSG sa inyong paaralan. Meron kang hindi nagustuhan sa isang platapormang inihain. Bilang kasapi ng samahan paano mo dapat sabihin ang pagsalungat? *
1 point
A. Huwag ninyo akong hingan ng opinyon sa bagay na iyon.
B. Hindi makabubuti sa nakararami ang proyektong balak na ipatupad.
C. Pag-isipan muna ninyong mabuti ang proyekto baka magsisi tayo sa bandang huli.
D. Sa nakikita ko, magkakaroon tayo ng problema sa bagay na ito, maaari ba nating rebyuhin ang proyekto?
16. Hindi ka sumasang-ayon sa pagpapatupad ng “No face shield, no face mask, no entry” sa mga establisyemento, ilang piling tindahan at mga mall. Paano mo ito sasabihin? *
1 point
A. Bakit ba kasi nagpapatupad pa ng ganiyang batas?
B. Siguro, makabubuti nga sa mga mamamayan ang batas na ito.
C. E, di huwag na lang talagang pumasok sa mga mall o tindahan.
D. Gumamit na lang ng face mask at face shield kapag pumasok sa mga mall.
Basahin at bigyan ng angkop na pamagat ang talatang binasa. Ang pamilyang Pilipino ay isang napakahalagang institusyon. Sa gitna ng maraming suliranin, dapat umiiral ang pagmamahalan, pagkakaisa at pagtutulungan upang lalong tumibay ang pagsasamahan ng isa’t isa. Ano mang problema ang dumating, kailangang mapanatiling buo at matatag ang pamilya. Bukod dito biyaya ng Diyos ang ating pamilya kaya’t patuloy mong ingatan. 17. Ang angkop na pamagat sa talata ay __________________? *
1 point
Ang Pamilya
B. Ang Pamilyang Pilipino
C. Ang Problema sa Pamilya
D. Biyaya ng Diyos ang Pamilya
Ang niyog (cocos nucifera) ay may karaniwang taas na 6 na metro o higit pa. Natatangi sa lahat ng puno ang niyog sapagkat bawat bahagi nito ay maaari ring sangkap sa paggawa ng sabon, shampoo, at iba pa. 18.Ang angkop na pamagat sa talata ay __________________? *
1 point
A. ang niyog
B. Ang Niyog
C. Ang mga Gamit ng Niyog
D. ang mga Gamit ng Niyog
LIGTAS ANG MAY ALAM Alam ba ninyong sa panahong mayroong mga bagong sakit na natutuklasan mas nakasasama kung tayo’y magpapanic. Katulad na lang ng bagong sakit na tinatawag na NOVEL – CORONA VIRUS O NCOV. Ayon sa Health Advisory ng DOH dapat manatiling kalmado at maniwala lamang sa abiso na nanggaling sa kanilang ahensiya. Pinapayuhan ang lahat na siguraduhin ang madalas at tamang paghugas ng kamay. Ang pagtakip sa ilong at bibig tuwing umuubo at iwasan ang malapitang kontak sa mga taong may sintomas ng trangkaso. Magsuot ng wastong proteksiyon sa katawan kung lalapit sa mga hayop mula sa farm o sa mga wild animals. Dapat lutuin nang mabuti ang ating pagkain at palakasin ang ating resistensiya sa pamamagitan ng healthy lifestyle at pagtulog nang mahaba. Health Advisory mula sa Department of Health 19. Ano ang dapat gawin kung may bagong sakit na natuklasan? *
1 point
A. magpanic
B. magsaya
C. huwag pansinin
D. manatiling kalmado
20.Ano ang ibig sabihin ng salitang pandemic? *
1 point
A. malubhang sakit
B. nakatatakot na sakit
C. nakahahawang sakit
D. malawakang pagkalat ng sakit

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.