Mahalaga ang kuwentong bayan dahil natutulungan nito ang mga bata upang masanay sa pagbabasa at upang mabuksan ang hilig nito sa kuwento. Maraming gamit ang mga kuwentong bayan para sa mga bata: una ay ang malinang ang mahusay na pagpapasya, mamulat sa ibang kultura, makapagdulot ng mabuting asal, mapahalagahan ang ibang tradisyon, tumuklas ng ibang pananaw at makaarok sa mga arketipong tunay na bukal ng kabihasnan at kadakilaan. Ang pagbabasa at pag-uusap tungkol sa mga kuwento ay magandang paraan ng pagpapakita sa mga bata kung gaano nakakawili at mahalaga ang pagbasa at magandang pagpalipasan ito ng oras. Ito ay nakakatulong din sa mga bata na malaman nila na ang mga kuwento ay may simula, gitna at katapusan, at mayroon ding mga tunog at tularan (pattern) ng mga salita.
Answers & Comments