1. Ngayon na nasa baitang 9 ka na ay mas malinaw na ang iyong pagpaplano sa iyong
kinabukasan dahil ikaw ay
A. may kakayahan ng mag-isip at may malayang pagkilos.
B. malaya ng magdesisyon sa buhay na gusto mong tahakin
C. bumabatay sa gabay ng Guidance Counselor at resulta ng NCAE.
D. kakayahan ng magdesisyon batay sa iyong hilig kasanayan at pagpapahalaga
2. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng mga kabataang may hilig at talento. Sino sa
mga sumusunod ang nagpapakita ng pagkilala at pagpapaunlad ng kanyang talento at
hilig?
A. Bukod sa magaling tumugtog ng gitara, si Yeol ay isa ring masununng anak. Ang
kinuha niyang kurso ay ang gusto ng kanyang mga magulang na Engineering at
isinantabi ang hilig nya sa musika.
B. Masipag mag-aral si Minmin at hilig niya ang sining. Sa tuwing siya ay nag-aaral ay
ibinibigay niya ang lahat ng kanyang panahon sa pag-aaral lamang.
C. Si Hunnie ay nagpapakita ng hilig sa pag-arte. Siya ay humanap ng mga libreng
acting workshop para mahasa at malinang ang kanyang kakayahan sa pag-arte.
D. Si Han ay mahilig mag-rap at sumulat ng kanta. Sumali siya sa audition para sa
song writing at ng hindi matanggap ay kinalimutan na ang pagsali muli.
3. Si Dae ay magaling sa pagkanta, mahilig din siyang mag-aral ng mga salita ng ibang
bansa at pangarap niyang maging isang idolo sa South Korea. Ang hilig niyang ito ay
madali niyang matutuhan kaya ginamit niya ito sa pagtuturo sa online ng salitang Ingles
sa mga Koreano. Ang kurso namang gusto ng mga magulang niya para sa kanya ay
Engineering o kaya ay Architecture kaya pinatitigil siya sa kanyang pagsali sa mga
kompetisyon sa pag-awit at sa pagtuturo sa online para matutukan niya ang kanyang
pag-aaral. Kung ikaw si Dae, ano ang gagawin mo?
A. Gagawin ko ang gusto ko para sa aking pangarap at lalayas ako ng bahay para hindi
nila ako madiktahan.
B. Kakalimutan ko na ang aking pangarap at susundin ko ang aking mga magulang.
C. Kakausapin ko ang aking mga magulang na gagawa ako ng schedule para hindi
makasira sa aking pag-aaral.
D. Sasang-ayon ako sa aking mga magulang sa gusto nila at itatago ko ang aking
pagsali sa mga kompetisyon​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.