1. Matalino'y nag-aabroad, tinitiis yaong hirap Mayaman din, nag-aabroad, para naman magpasarap Sino nga ba sa dalawa ang mas lamang at mas sikat? Kahit sa tulad kong mangmang, ang sagot poy maliwanag
PAGSANG-AYON PAGSALUNGAT
______________ ____________
2. Musmos pa man tayong batay
pangaral na ng magulang
Ang talinoy kabahagi sa
magandang pamumuhay
Itoy isang katangiang tataglayin habang buhay
Karunungan ay hagdanan sa pag-abot ng tagumpay.
PAGSANG-AYON PAGSALUNGAT
______________ ____________
3. Sobrang silaw sa salapi ay malaking kapintasan Dahil dito'y nalilimot sa puso ang kabutihan
Pagkat walang itatangi kundi yaong kumikinang
Nang dahil din po sa pera, nandyan ang kapalaluan.
PAGSANG-AYON PAGSALUNGAT
______________ ____________
4. Sa karandamang mapanganib, lalapitan ba ay sino? Di ba dalubhasang duktor sa
lunas ay sigurado?
At sa mga paaralan, nagsisilbiy mga guro Dunong nila ang sandata nang
tayo ay mapanuto.
PAGSANG-AYON PAGSALUNGAT
______________ ____________
5. Kayamanan, pag labis na, marami ang natutuwa, Matatag
ang ekonomiya, masagana itong bansa Ang dunong ng isang tao, pag sumobra ay masama, Sa mental po humahantong. nagbibilang na ng tala!
PAGSANG-AYON PAGSALUNGAT
______________ ____________