1. Malaki ang pagpapahalaga ng mga taga-France sa
kanilang bansa at pamahalaan at karaniwang nagagalit
kapag nakaririnig ng negatibong komento tungkol sa
kanilang bansa. Ang pag-uugali nilang ito ay
karaniwang itinuturing ng mga turista lalo na ng mga
Amerikano na kawalang-galang.
PANGUNAHING PAKSA:
PANTULONG NA IDEYA:
PALIWANAG SA KAISIPAN:
Answers & Comments
PANGUNAHING PAKSA: Pagpapahalaga ng mga Pranses sa kanilang Kultura at Tradisyon
PANTULONG NA IDEYA: Nagagalit sila kapag nakakarinig ng mga negatibong komento tungkol sa kanilang bansa at pamahalaan sapagkat mahal nila ang kanilang bansa.
PALIWANAG NA KAISIPAN:
Dahil sa pagkakaiba ng kultura at tradisyon ng iba't ibang bansa, maaring magkaroon ng iba't ibang opinyon o pananaw ang isang turista sa bansang kanyang pinupuntahan o dinarayo. Maaaring hindi siya pamilyar sa kulturang kinagisnan ng isang bansa kung kaya't maaari siyang magulat at hindi maiwasang may masabi tungkol sa bansang iyon. Sa kabila nito, marapat lang nating igalang at respetuhin ang kanilang kultura at bansa bilang kanilang mahal din ito.