1. Mahalaga ang pagkakaroon ng pangarap sapagkat
A. walang sinuman ang nagnais na maghirap habambuhay.
B. nabibigyan ang tao ng direksiyon at gabay sa buhay.
C. may nais makamit ang lahat ng tao.
D. yayaman ang tao kapag nakamit ito. 2. Isang paghahanda ang pag-aaral para sa magiging hanapbuhay sa hinaharap sapagkat
A. hinuhubog ng pag-aaral ang ating pagkatao.
B. isa ito sa mg antas na dapat pagdaanan ng lahat.
C. kailangan ang diploma upang makakuha ng trabaho.
D. kailangan natin ng sapat na pera para mabuhay
3. May mga taong walang pangarap sa buhay sapagkat
A. may mga dahilang humahadlang sa pagbuo ng kanilang pangarap.
B. natural sa tao ang hindi bumuo ng anumang pangarap.
C. mahirap para sa isang tao ang bumuo ng mga pangarap.
D. ayaw nilang mangarap.
4. Maganda ang resulta ng isang gawain kapag ang isang tao ay may kasiyahan sa pagsasagawa nito. Dahil dito, mahalagang isaalang-alang sa pagpili ng kurso at hanapbuhay ang
A. kakayahan
B. personalidad
C. interes o hilig
D. kalakasan
5.Mahusay gumuhit si Bing. Isa ito sa paborito niyang gawin tuwing mayroon siyang pagkakataon. Dahil dito, plano niyang kumuha ng kurso kung saan magagamit niya ito. Sa iyong palagay, tama kaya ang planong gawin ni Bing? 
A. Oo, sapagkat siya ang dapat magpasiya ukol sa kaniyang magiging kurso at hanapbuhay.
B. Hindi, sapagkat hindi ito magandang kurso sa panahon ngayon.
C. Oo, sapagkat ito ang kaniyang kakayahan at hilig.
D. Hindi, dahil dapat niyang pagtuonan ang pangakademikong aspeto

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.