1. Kung ang pelikulang drama ay punong-puno ng emosyon na ang intensiyon ay paiyakin ang manonood, ano naman ang pelikulang komedya?

A. batay sa mga pangyayari na hindi tanggap ng agham

B. binibigyan ng pokus ang bakbakang pisikal

C. pelikula na kung saan ang layunin ay magpatawa o magbigay-aliw

D. tumatalakay sa maalamat at makasaysayang buhay na puno ng hiwaga

2. Kung ang pokus ng pelikulang aksyon ay bakbakan, ano naman ang musikal?

A. ang mga bida ay nagsisipag-awitan

B. mahika na malayo sa totoong nangyayari sa tunay na buhay

C. pangyayaring hindi tanggap ng siyensiya

D. totoong istorya ng buhay

3. Ang pelikulang epiko ay tumatalakay sa maalamat at makasaysayang buhay na punong-puno ng hiwaga. Ang pelikulang animasyon naman ay

A. gawa sa malilikot na imahinasyong ginagamitan ng mahika pero malayo sa totoong nangyayari sa tunay na buhay

B. gumagamit ng guhit na larawan na pinagagalaw upang kumilos at magsalita na nilapatan ng boses ng tao

C. tumatalakay sa pag-ibig na ang intensiyon ay magpakilig at makadama ng romansa

D. tumatakay sa totoong kasaysayan ng isang tao na nagkaroon ng malaking kontribusyon sa bansa.

4. Batay sa mga pangyayari na hindi tanggap ng agham gaya ng daigdig ng mga alien ang pelikulang science fiction, ano naman ang pantasya?

A. gawa sa malilikot na imahinasyong ginagamitan ng mahika

B. maalamat at makasaysayang buhay na punong-puno ng hiwaga

C. mga kuwentong halaw sa pinagmulan ng isang bagay

D. tumatakay sa totoong istorya ng buhay

5. Ang pelikulang historikal ay hango sa totoong kasaysayan ng isang tao na nagkaroon ng malaking kontribusyon sa bansa. Ang period naman ay tumutukoy sa anong klaseng pelikula?

A. mga kuwento tungkol sa mga sikat na tao

B. mga larawang pinagagalaw upang kumilos at magsalita

C. kuwento mula sa malikhaing isip ng manunulat

D. totoong istorya ng buhay na nagpaangat sa kaniya sa iba​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.