Questions


October 2022 1 1 Report
1. Ito ay ang paglalagay ng sarili sa kalagayan ng iba upang lubos na maunawaan ang kilos at saloobin.
a.Confidentiality
b.Empathy
c.Sympathy
d.Presence
2. Bakit mahalagang sangkap ng pagkakaibigan ang pagpapatawad?
a.Dahil ang lahat ng relasyon ay dumaraan sa mga pagsubok at hindi naiiwasan ang hindi pagkakaunawaan
b.Dahil ang lahat ng magkakaibigan ay hindi dapat na nag-aaway
c.Dahil ang bawat isa ay dapat na umintindi sa kaniyang kaibigan
d.Dahil ito ay itinakda ng batas ng pakikipagkaibigan
3. Ang ganitong uri ng pakikipagkaibigan ay ang pinakamababaw na antas. *
a.Batay sa pansariling kasiyahan
b.Batay sa pangangailangan
c.Batay sa pansariling kailangan
d.Batay sa kabutihan
4. Alin sa mga pahayag ang isa sa mga indikasyon na ang tao ay likas na panlipunang nilalang?
a.Ang tao ay may inklinasyon na maging mapag-isa.
b.Ang tao ay may kakayahang lumikha ng masasaya at makabuluhang alaala.
c.Ang tao ay may kakayahang maipahayag ang kanyang pangangailangan.
d.Ang tao ay may kakayahang tugunan ang kanyang sariling pangangailangan.
5. Ang sumusunod ay kahalagahan ng mabuting pakikipagkaibigan maliban sa:
a.bunga ng pagsisikap na dalisayin at patatagin ang ugnayan sa pangmatagalang panahon
b.nakatutugon sa personal na intensyon ng tulong o pabor na makukuha sa iba
c.nararamdaman mula sa inspirasyong nagmumula sa taong naniniwala at nagtitiwala sa atin
d.hindi lamang isang pakikitungo sa kapwa kundi isang pagbabahagi ng sarili
6. Nagalit si Erick sa ginawa sa kaniya ni Noel. Ano sa mga sumusunod ang nararapat niyang gawin?
a.Siraan sa iba si Noel
b.Hamunin ng suntukan si Noel
c.Kimkimin ang galit nang maiwasan ang away
d.Palipasin ang galit at pakalmahin ang sarili bago kausapin si Noel
7. Ang Emotional Quotient (EQ) ay tumutukoy sa kakayahan ng tao na ___________.
a.Timbangin ang mga bagay bagay bago magpasya
b.Mag-isip nang malalim ukol sa mga katanungan sa buhay
c.Pamahalaan nang wasto ang emosyong taglay
d.Kimkimin ang galit na nadarama
8. Ang pag-asam ay emosyon ng paghihintay sa isang pangyayaring inaasahan na matutupad. Paano ito pamamahalaan ng isang tao kung hindi natupad ang kanyang inaasahan.
a.Sisihin ang kapwa sa pangyayari.
b.Magpakita ng labis na kalungkutan.
c.Tanggapin ng maluwag sa loob ang nararamdaman.
d.Huwag nang mag-asam pa ng ibang mga bagay.
9. Bakit may mga taong nakagagawa ng masama kapag sobrang galit?
a.dahil hindi nag-iisip
b.dahil ginusto lang ng tao na gawin
c.dahil pinipilit ang tao na gawin
d.dahil hindi napamahalaan ng tama ang sariling emosyon
10. Alin sa mga sumusunod ang hindi elemento ng EQ?
a.Pag-iwas sa nakalulungkot na sitwasyon
b.Pamamahala sa sariling emosyon
c.Pagkilala at pag-unawa sa damdamin ng iba
d.Pamamahala ng ugnayan

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.