Questions


October 2022 2 39 Report
1. Ito ang tawag sa mga mahihinay na salita o pahayag na ipinapalit upang maiwasan ang makasakit ng damdamin.
A. Eupemismo
B. Pagmamalabis
C. Metapora
D.Personipikasyon

2. Ang eupemismo ay gumagamit ng _________para di tuwirang tukuyin ang nais na ipahayag na nakatutulong upang lalong mag-isip ang nagsasalita at kinakausap.
A. mabilis na salita
B. mahirap na salita
C. malalim na salita
D. matalinghagang salita

3. Sa halip na sabihing namatay, mas mainam na sabihin ang ____________.
A. nagpantay ang paa
B.sumakabilang buhay
C.kasama na ng Maylikha
D. lahat ng nabanggit

4. Siya ay isang maamong kordero.Ito ay nangangahulugang __________.
A. siya ay amo
B.siya ay maawain
C.siya ay mabait na tao
D. siya ay tagapagbantay

5. Ang dalagang anak ni Aling Sara ay di makabasag pinggan.Ang pahayag na ito ay nagangahulugang _______
A. Ang dalaga ay maalaga.
B.Ang dalaga ay mahinhin.
C. Ang dalaga ay naghuhugas ng pinggan.
D. Ang dalaga ay tagapag-alaga ng kapatid.

6. Magkasinghinay ang mga salitang ginagamit sa eupemismo at sawikain.
A. Magkatulad
B. Di magkatulad
C. Pasahol
D. Palamang

7. ____________ ang pang-uri kung ang inihahambing ay may mas maliit o mas mababang katangian. Gumagamit ito ng mga salitang tulad ng digaaano, di-totoo,di-lubha o di-gasino.
A.Palamang
B. Magkatulad
C.Pasahol
D. Pasukdol

8. Ang pag-aasawa ay hindi biro, _______________________, na iluluwa kong mapaso.
A. tulad ng kanin
B. tulad ng sabaw
C. hindi tulad ng kanin
D. hindi tulad ng sabaw

9. __________________ ang maglakad sa kawalan kasama ang kaibigan, kaysa maglakbay nang mag-isa sa liwanag at karangyaan.
A. Mas magaan sa pakiramdam
B. Mas mabigat sa pakiramdam
C. Parehong mabigat sa pakiramdam
D. Di-gaanong mabigat sa pakiramdam

10. Ang batang walang pinag-aralan ay ____________na di-makalipad.
A. kapares ng ibon
B. kapares ng tutubi
C. kapares ng paro-paro
D. kapares ng eroplano ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.