Questions


September 2022 1 0 Report
1. Ang ____ ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga
hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan.
A. awit B. kredo C. kuwento D. pabula
2. Ito ay uri ng pangngalan na tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay,
hayop, lugar at mga pangyayari.
A. Lansakan B. Pambalana C. Pandiwa D. Pantangi
3. Ito ay uri ng pangngalan na tumutukoy sa di-tiyak na ngalan ng tao, bagay,
hayop, lugar at mga pangyayari.
A. Lansakan B. Pambalana C. Pandiwa D. Pantangi
4. Ang tawag sa pangngalang pambalana na tumutukoy sa mga bagay na
nakikita o nahahawakan ay_______.
A. basal B. di-konkreto C. lansakan D. tahas
5. Ang tawag sa pangngalang tumutukoy sa isang kalipunan o karamihan ay
_______.
A. basal B. konkreto C. lansakan D. tahas
6. Ito ay pangngalang tumutukoy sa mga kaisipan o konsepto na hindi
nararanasan ng limang pandama at walang pisikal na katangian ay ______.
A. basal B. konkreto C. lansakan D. tahas
7. Panatilihing malinis ang kapaligiran. Ang salitang may salungguhit ay_______.
A. basal B. di-konkreto C. lansakan D. tahas
8. Sa kabuuan, may ______ ang uri ng pangngalan ayon sa konsepto.
A. apat B. dalawa C. lima D. tatlo
9. Ang mga salitang Jose, Plaza Independencia at Hulyo ay mga halimbawa ng
_____.
A. basal B. lansakan C. pambalana D. pantangi
10. Ang tahas, basal at lansakan ay mga uri ng pangngalan ayon sa _____.
A. kayarian B. konsepto C. diwa D. gamit

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.