Questions


October 2022 1 0 Report
Isang araw, sa panahon ng tagtuyot, naghahanap ang isang uhaw na uwak ng
tubig na maiinom. Uhaw na uhaw siya at buong araw siyang naglalakbay.
Mamamatay siya sa uhaw kapag hindi siya nakainom ng tubig sa pinakamadaling
panahon. Sa wakas ay nakahanap siya ng isang banga na may lamang maliit na
tubig sa loob nito. Subalit ang banga ay mataas at may makitid na leeg. Kahit anong
subok niya ay hindi niya abot ang tubig.
Pagkatapos ay isang ideya ang kanyang naisip. Kumuha siya ng maliit na bato
at inilagay sa loob ng banga. Sa bawat maliliit na bato na iniligay niya sa loob ay
unti-unting tumataas ang tubig. Ipinagpatuloy niya nag paglalagay hanggang sa abot
na ng kanyang tuka ang tubig at siya ay nakainom.
1. Sino ang naglakbay sa panahon ng tagtuyot?
2. Bakit kailangan niyang maghanap ng tubig?
3. Ano ang bagay na nakita niya na nagsilbing daan sa pagkalutas sa
kanyang pagkauhaw?
4. Paano niya nalampasan ang problema?
5. Anong kabutihang asal/aral ang nais ipahiwatig ng pabula?

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.