Questions


November 2022 1 1 Report
1. Ang akdang, “Akasya o Kalabasa” ay isang halimbawa ng anong uri ng panitikan?

A. anekdota                   C. pagsasalaysay

B. mitolohiya                   D. sariling karanasan

 

2. “Karaniwan nang sa may mataas na pinag-aralan ay maamo ang kapalaran.” Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag na ito?

A. Mag-aral nang mabuti.

B. Huwag tumigil sa pag-aaral.

C. Mas maganda ang kapalaran ng taong nag-aral nang matagal na panahon.

D. May naghihintay na magandang kinabukasan sa taong nakapagtapos ng pag-aaral.

 

Para sa bilang 3-4

Batay sa huling naging pahayag ni Mang Simon na, “A, mabuti na nga ang kunin niyang buo ang kurso sa hayskul at saka na siya kumarera. Higit na magiging mayabong ang kaniyang kinabukasan.”

 

3. Ang pahayag na nasa itaas ay nangangahulugang ?

A. Bubunuin ni Iloy ang mahabang panahon ng pag-aaral.

B. Nais ni Mang Simon na isali ang kaniyang anak na si Iloy sa karera.

C. Pinili pa rin ni Mang Simon na maging katulad ng kalabasa ang kaniyang anak.

D. Nais ipatapos ni Mang Simon kay Iloy ang pag-aaral sa hayskul bago niya ito katulungin sa linang.

 

4. Anong aral ang makukuha mula sa pahayag na nasa itaas?

A. Maging masipag sa pag-aaral.

B. Kailangang maghanda para sa kinabukasan.

C. Tiyak ang magandang kinabukasan kung ikaw ay mag-aaral.

D. Kailangang magtiyaga sa pag-abot ng pangarap, higit na maganda kung ito ay pinaghihirapan.

 

5. Ito ay tumutukoy sa isang diskursong naglalatag ng mga karanasang magkakaugnay.

A. komiks                     C. pagsasalaysay

B. kuwadro                   D. sariling karanasan

 

6. Isa sa mga mapagkukunan ng paksa ay batay sa narinig o napakinggan mula sa iba ngunit bilang manunulat, kinakailangang .

A. maging maagap sa lahat ng balita

B. kunin ang lahat ng narinig buhat sa iba

C. piliin ang mga impormasyong nais ilahad

D. tiyakin muna ang katotohanan nito bago isulat

 

7. Ito ay bahagi ng komiks na pinagsusulatan ng maikling salaysay.

A. kuwadro                   C. kahon ng salaysay

B. lobo ng usapan            D. pamagat ng kuwento

 

8. Ang thought bubble, whisper bubble, speech bubble, at scream bubble ay mga halimbawa ng anong bahagi ng komiks?

A. kuwadro                   C. kahon ng salaysay

B. lobo ng usapan            D. pamagat ng kuwento

 

9. Ang Pagong at Matsing na isinulat ni Dr. Jose P. Rizal ay isang halimbawa ng ______.

A. anekdota                   C. kuwento

B. komiks                     D. pagsasalaysay

 

10. Ito ang bahagi ng komiks na pinagsusulatan ng usapan ng mga tauhan.

A. komiks                     C. kahon ng salaysay

B. lobo ng usapan            D. sariling karanasan

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.