Yamang Dunong at Kalusugan
Dunong at kalusugan ating yaman, nararapat na pangalagaan. Huwag nating pabayaan, ingatan at pahalagahan.
Anomang minana sa magulang, walang tutumbas sa dunong at kalusugan. Aanhin ang materyal na yaman kung sakitin naman?
- Karunungan at kalusugan pagyamaning lubusan
Dunong at kalusugan, sandatang maituturing, sa anomang suliraning kahaharapin Maging matatag sa anomang pasanin, tiyak na mithiin ay mararating.
mga tanong:
1. Ano ang paksa ng binasang tula?
2. Ano ang itinuturing na ating yaman ayon sa binasang tula?
3. Bakit ito itinuturing na yaman?
4. Bakit kailangang pakaingatan at pahalagahan ang dunong at kalusugan?
5. Ano ang dapat gawin sa ating yamang dunong at kalusugan?
6. Paano makakamit ang mithiin sa pamamagitan ng dunong at kalusugan?
7. Paano mo binigkas ang tula?
8. Paano mo isinalang-alang sa iyong pagbasa ang wastong tono, diin, antala at damdamin ng tula?'
=7 points