Bakit 2. Bilang isang kabataan, paano ka makatutulong Matugunan ang ganitong uri ng suliraning panlipunan? Gawain 2 Basahing mabuti ang sanaysay. Alamin ang suliranin at solusyon tungkol dito Isulat ito sa iyong sagulang papel. ANG KALABANG HINDI NAKIKITA Ang Pilipinas ay humaharap sa malaking suliranin, kasama ang iba't ibang bansa sa buong mundo. Ang pagkakaroon ng pandemyang sakit. Ang sakit na ito ay galing sa probinsya ng Wuhan sa bansang Tsina, karaniwang sa mga hayop lamang natatagpuan. At napag-alamang, ang mga kaso doon ay isang uri pala ng hindi kilalang coronavirus. Ang coronavirus ay pamilya ng mga virus na nagdudulot ng sakit, mula sa karaniwang ubo't sipon hanggang sa mas malulubhang impeksiyon tulad ng MERS-COV. Ang novel coronavirus (2019- nCOV) ay isang uri ng coronavirus na hindi pa natatagpuan sa tao noon. Avan sa World Health Organization (WHO), inerekomenda nitong palitan ang opisyal na pangalan nito sa “2019 Novel Coronavirus Acute Respiratory Disease" o 2019 nCOV ARD noong ika-30 ng Enero, 2020. At noong ika-12 ng Pebrero ng taong kasalukuyan ay pinahayag ng WHO, na ang kasalukuyang sakit na “2019 Novel Coronavirus Acute Respiratory Disease ay opisyal ng pinangalanan at tinawag na Coronavirus Disease '19 o COVID-19. (source: https://www.doh.gov.ph). Naisasalin ito ng mga taong mayroong ganitong sakit sa isa o higit pang katao na mahihina ang resistensya sa pamamagitan ng face to face interaction o malapitang ugnayan sa isa't isa. Ang Kagawaran ng Kalusugan ay pinag-iingat ang lahat ng tao dahil wala itong pinipili, bata, matanda, babae, lalaki, mayaman man o mahirap. Ilan sa mga sintomas ng sakit na ito ay: hirap sa paghinga, pagtatae, mataas na lagnat na may panginginig, may ubo at sipon.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.