Questions


October 2022 1 1 Report
ANG KALABANG HINDI NAKIKITA
Ni: Minerva M. Decano

Ang Pilipinas ay humaharap sa malaking suliranin, kasama ang iba't ibang bansa sa buong mundo. Ang pagkakaroon ng pandemyang sakit. Ang sakit na ito ay galing sa probinsya ng Wuhan sa bansang Tsina, karaniwang sa mga hayop lamang natatagpuan. At napag-alamang, ang mga kaso doon ay isang uri pala ng hindi kilalang coronavirus. Ang coronavirus ay pamilya ng mga virus na nagdudulot ng sakit, mula sa karaniwang ubo't sipon hanggang sa mas malulubhang impeksiyon tulad ng MERS-COV. Ang novel coronavirus (2019-ncov) ay isang uri ng coronavirus na hindi pa natatagpuan sa tao noon. Ayon sa World Health Organization (WHO), inerekomenda nitong palitan ang opisyal na pangalan nito sa “2019 Novel Coronavirus Acute Respiratory Disease o 2019-nCOV ARD noong ika-30 ng Enero, 2020. At noong ika-12 ng Pebrero ng taong kasalukuyan ay pinahayag ng WHO, na ang kasalukuyang sakit na "2019 Novel Coronavirus Acute Respiratory Disease" ay opisyal ng pinangalanan at tinawag na Coronavirus Disease 19 COVID-19. (source: https://www.doh.gov.ph). Naisasalin ito ng mga taong mayroong ganitong sakit sa isa o higit pang katao na mahihina ang resistensya sa pamamagitan ng face to face interaction o malapitang ugnayan sa isa't isa. Ang Kagawaran ng Kalusugan ay pinag-iingat ang lahat ng tao dahil wala itong pinipili, bata, matanda, babae, lalaki, mayaman man o mahirap. Ilan sa mga sintomas ng sakit na ito ay: hirap sa paghinga, pagtatae, mataas na lagnat na may panginginig, may ubo at sipon. Naunang isinailalim ng gobyerno ang National Capital Region (NCR) sa "Community Quarantine" matapos makapagtala ng mga kaso ng CoviD- COVID- 19 at kasunod nito ang "Enhanced Community Quarantine" o (ECO) sa buong Luzon dahil sa pagdami ng mga nahawaang indibidwal. Mistulang sayaw na "stop dance" ang sakit na ito, sapagkat pinahinto niya o nilimitahan ang bawat galaw o pangyayari sa buhay ng bawat mamamayan. Marami ang napatigil na trabaho sa iba't ibang sector na dahilan ng pagbaba ng ekonomiya ng bansa. Kung kayat hindi lamang ito suliranin sa pangkalusugan sapagkat naapektuhan nito ang ekonomiya at industriya ng bansa. Maraming buhay ang hanggang ngayon ay labis na naapektuhan at lubos pang hirap ang mararamdam sa hindi mabatid na panahon.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.