Alam mo ba na sa pagsusunog mo ng basura ay gumagawa ka na rin ng lason? Ang lasong ito ay sa pormang kemikal na napupunta sa ating hangin, at nagiging ulan na nagpaparumi ng ating katubigan, ng mga halaman, ng lupa, na napupunta rin sa taba ng iba’t-ibang hayop at mga isda.
At natural, kung ang mga hayop at isdang nalason ay ating makakain, siguradong sakit din ang makukuha natin.
Sakit sa balat, mga depekto sa panganganak, autism, kanser, pagbabago sa hitsura, abnormal na hormone, madalas na pagkapagod, mabagal na pagkatuto, sakit sa puso, sa utak, sa baga, sakit sa bato, at sa sistema ng katawan, maging ang pagtaas ng bilang ng mga namamatay na sanggol, lahat ng ito ay maaaring idulot ng pag-susunog basura.
Sa dami ng masamang epekto ng pagsusunog ng basura sa kalikasan at sa ating mga mamamayan ay ipinagbawal na ito, sa ilalim ng Republic Act 9003, o ng Ecological Solid Waste Management Act. Ipinagbawal na pero napakarami pa rin ang nagsusunog ng basura. Kaya naman di kataka-takang marami sa atin, lalo na sa mga bata, ang may sakit na asthma.
Ngayon, magsusunog ka pa ba ng basura? Naririto ang ilan sa mga maaari mong gawin sa iyong basura, na makabubuti hindi lamang sa iyong pamilya at mga kapitbahay, kundi maging sa kapaligiran:
Mag-kompost.
Ang mga nabubulok na basura tulad ng mga tirang pagkain, mga dahon at damo, dumi, pati mga buto ng mga halaman at hayop ay hindi dapat sinusunog. Maaari itong i-kompost! Kailangan lamang ay ibaon ang mga ito sa hukay (compost pit) at tabunan ng lupa upang di langawin at dagain. Pwede ka ring gumamit ng mga compost bins, o mga lumang gulong, dram, sako, o balde, o kaya naman ay sa paso at mga plastic bag. Sa pagkokompost, lilinis na ang paligid, mayroon ka pang pataba sa lupa.
Matutong Mag-recycle!
Makababawas din sa basura ang pagreresiklo ng mga gamit. Ang mga plastik, na lubhang nakalalason pag sinunog, ay pwedeng gamitin sa pag-kompost, o kaya naman ay gawing sisidlan. Ang iba pang mga gamit na pwedeng i-recyle ay ang mga bakal, bote, goma, pati na mga tuyong papel at karton.
Basura Mo, Ibenta Mo!
Bukod sa bote at dyaryo, pwede mo ring ipagbili ang iba pang basura tulad ng mga tetrapak (lalagyan ng juice), mga bubog, mga bahagi ng computer, at ibang uri ng mga plastik. Ang mga basurang ito ay binibili upang iresiklo, o di kaya’y gawing palamuti sa bahay, mga bag, at mga tsinelas. Biruin mo, hindi ka na magsusunog ng basura, kikita ka pa!
Answers & Comments
Answer:
Wrong
Explanation:
BAWAL MAGSUNOG NG BASURA.
BAWAL MAGSIGA.
Maaaring magmulta o makulong.