WOMBOH COMBO!

Panuto: Basahin at unawain ang liham pangkaibigan.Sabihin kung ito ay
pormal o di-pormal na sulatin.Isulat ang sagot sa patlang na nasa ibaba.

54 Matatag St. Purok 6,
Malolos, Bulacan
Ika-20 ng Hunyo,2019
Mahal kong Narisha,

Kumusta na ang aking matalik na kaibigan?Matagal na rin tayong hindi
nagkita mula ng lumuwas ka sa Maynila para mag-aral.Madalas akong dumaan
sa inyong bahay para makibalita sa iyong ina kung ano ang nangyayari sa iyo.
Salamat pala sa iyong pinadalang regalo noong nakalipas kong
kaarawan. Salamat at hindi ka pa rin nakakalimot sa akin at sa maganda nating
pagkakaibigan.
Sabi ng Nanay ay baka hihinto muna ako sa susunod na pasukan,Wala
kasing permanenteng trabaho si Itay at Inay.Kaya kailangan ko muna silang
tulungan para sa araw-araw na gastusin dito sa bahay.Nakakalungkot pero
kailangan para makatulong ako sa aking pamilya.
Hanggang dito na lamang at sana lagi kang mag-ingat dyan.Ilibre mo
muna ako pag nakapagtapos ka na at sana maipasyal mo rin ako sa Maynila.
Nagmamahal na kaibigan,
Airene
Sagot: Ang liham na ito ay uri ng sulating .

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.