Salamat po sa panibagong araw na inilaan niyo sa amin. Sa bagong pag-asa. Salamat din po sa patuloy na paglalaan niyo ng aming pangangailangan. Sa araw na ito ay muli po kaming kukuha ng mga bagong kaalaman. Nawa'y patnubay niyo po kami at gabayan sa mga oras na ito. Tulungan niyo rin po sana ang aming guro na maitawid sa amin ng maayos at malinaw ang mga aralin. At gayundin po, tulungan niyo po sana kaming maintindihan ito at matuto. Hinihinling din po namin ang inyong maibiging pagpapatawad sa mga pagkukulang at pagkakamali na nagagawa namin sa inyong harapan.
Itong mga panalangin namin at ang mga bagay na hindi namin nasambit ay Ipinapaabot po namin sa pamamagitan ng inyong sinisintang anak at aming nagpupunong hari na si Hesu-Kristo.
Answers & Comments
Answer:
Dear God,

Amen.