Daily Devotion
April 09, 2021

✨SCRIPTURES✨

1 Juan 5:14-15
[14]Hindi tayo nag-aatubiling lumapit sa kanya dahil alam nating ibibigay niya ang anumang hingin natin kung ito'y naaayon sa kanyang kalooban.
[15]At dahil alam nating pinapakinggan nga niya tayo, alam din nating ibinibigay niya ang bawat hinihiling natin sa kanya.

✨OBSERVATION✨

Syang tunay naman talaga na ibibigay ng Diyos ang anumang hingin natin sa Kanya kung kalooban Nya. Kaya di lahat ng hinihingi o hinihiling natin sa Kanya ay hindi Nya ibinibigay dahil alam ng Nya na hindi makakabuti para sa atin yun. Dahil ang Diyos ay maraming nakahandang magandang plano na makakabuti at magdudulot sa atin ng punong-puno ng pag-asa sa hinaharap.

Jeremias 29:11
[11]Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito'y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa.

Syang tunay naman talaga kung sumusunod at nagmahahal tayo sa Diyos palagi talagang sasagutin at ibibigay Nya ang bawat hilingin natin sa Kanya. Hindi porket hindi agad dumating eh di na sinagot "Mali" dahil ibinibigay nya yun sa tamang panahon, at meron namang sinasagot agad dahil alam ng Diyos na kailangan talaga natin yun. Kung hihingi naman tayo sa Diyos ng mga bagay na pansarili lamang natin hindi talaga ibibigay ng Diyos yun sapagkat alam ng Diyos na di makakabuti sa atin yun. Ang gusto ng Diyos na hilingin natin ay ang mga bagay na mapaparangalan natin Sya. Kaya nga nasusulat sa Kanyang Salita;

1 Mga Taga-Corinto 10:31
[31]Kaya nga, kung kayo'y kumakain o umiinom, o anuman ang ginagawa ninyo, gawin ninyo ang lahat sa ikararangal ng Diyos.

✨APPLICATION✨

Anumang hilingin natin sa Diyos ay dapat sa ikararangal lamang Nya, hindi sa pansarili lamang nating kagustuhan o karangalan. Gagawin natin ito dahil utos ng Diyos sa atin na dapat sundin at gawin ng may kasamang pag-ibig at pagtitiwala sa Kanya.

✨PRAYER✨

Aming Amang Diyos na makapangyarihan sa lahat lubos po ako nagpapasalamat sa Iyong mga Salita na patuloy na nagtuturo, nagtutuwid, nagtatama at nagagamit namin para sa matuwid na pamumuhay. Salamat po dahil tunay nga po na anuman ang aming hingin sa Inyo ay ipagkakaloob Mo kung naayon sa Iyong kalooban. At alam naman po namin na sa bawat panalangin ng lahat ng Iyong mga anak na gumaganap sa Iyong kalooban ay palaging Kang sumasagot. Tulungan Nyo po kami aming Diyos na palaging magtiwala lamang sa'yo sa palagi, magawa ang kalooban Mo at maparangalan Ka palagi.
Sa Inyo ko po ipinagkakatiwala ang lahat ng ito. Sa inyo po ang lahat ng kapurihan at karangalan. In the name of Jesus I/we pray. Amen

To God be the Glory alone☝️
God bless brethrens ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.