Walang Disiplina sa Pagtatapon ng Basura Basura ang pangunahing dahilan kaya nagbabaha sa Metro Manila. Matagal nang problema ito. Ilang dekada na ang nakalilipas subalit baha pa rin ang problema. At sa kabila na basura ang dahilan, marami pa rin ang hindi natututo at walang disiplina sa pagtatapon ng basura sa mga estero, kanal at mga ilog. Wala pa rin silang kadala-dala at walang malasakit sa kapaligiran. Ang mga basurang itinambak sa mga ilog ay iluluwa sa dagat at ibabalik naman ito ng dagat mismo sa mga dalampasigan. Totoo ang kasabihang "kung ano ang itinapon mo, babalik din sa'yo." Noong nakaraang linggo, nagsagawa ng paglilinis sa Estero de Magdalena ang Metro Manila Development Authority (MMDA). Nagtulung-tulong para alisin ang napakaraming basurang plastic. Isinagawa ang paglilinis makaraang mag viral sa social media ang estero. Dahil sa dami o kapal ng basura, maaari nang maglakad sa ibabaw niyon na hindi malulubog. Ngayon ay malinis na ang estero pero maaaring bukas o sa mga susunod na araw, tambak na naman ang basura roon. Balik na naman sa dati sapagkat walang disiplina ang mga nakatira. 1. Ano ang dahilan ng pagbaha sa Metro Manila? Basura ang dahilan kung bakit nagbabaha sa Metro Manila. 2. Ano ang karaniwang nakikitang basura na lumulutang sa estero? Sa iyong palagay, paano maiiwasan ang pagbaha o pagbabarado ng mga kanal?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.