Questions


September 2021 2 33 Report
Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem.Isulat sa sagutang- papel ang letra ng tamang sagot.

1. Ano ang iba pang tawag sa tulang panudyo?

A. tugmang patula B. tugmang panlaro
C. tugmang walang diwa D. tugmang paawit

2. Ano ang tulang nagpapahayag ng buhayng mga tsuper at ngmga pasahero sa dyip, bus at iba pang transportasyon?

A. tugmang padula B. tugmang patula
C. tugmang tuluyan D. tugmang de gulong

3. Anong ponemang suprasegmental angtumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng tinig kapag binibigkas ?
A. antala B. diin
C. hinto D. intonasyon

4. Kung ikaw ay bibigkas ng tula at gagamitin ang ponemang suprasegmental sa pagmamarka kung paano ito bibigkasin, ano ang dalawang magiging pokus sa pagmamarka?

A. damdamin B. antala/hinto
C. kaisipan D. tono o intonasyon

5. “Ang laki ng iyong ipinayat!” Ano ang tono ng pangungusap na ito?

A. nagpupuri B. nanunudyo
C. nagdududa D. pumupuri

6. “Hindi maganda.” Ano ang mensaheng ipinahahayag ng pangungusap na ito?

A. Nagpapahayag ng kagandahan ang mga nasa paligid.
B. Pinasubalian angisang bagay ay sinasabing magandaito.
C. Sinasabing hindi maganda ang isang bagay.
D. Sinasabing kailangang maging maganda

7. Sa pangungusap na: Hindi akin iyan! Hindi/akin iyan. Anong ponemang suprasegmental ang tumutukoy sa saglit na pagtigil sa pagsasalita upang malinaw na maihatid ang mensaheng nais iparating?

A. tono B. diin
C. hinto D. antala

8. May mga paalaala kang nababasa sa loob ng sasakyan. Ano sa kasunod na mga tula ang halimbawa nito?

A. Ang di magbayad walang problema Sa karma pa lang bayad ka na.
B. Kotseng kakalog-kalog Sindihan ng posporo Itapon sa ilog.
C. Pungpung kasile Ipinanganak sa kabibe
D. Putak, putak Batang duwag! Matapang ka’t nasa pugad!

9. Alin sa kasunod na mga tula ang halimbawa ng tulang panudyo?

A. “Ale, aleng namamangka Isakay mo yaring bata Pagdating mo sa Maynila Ipagpalit ng kutsinta”
B. “Barya lang po sa umaga.”
C. “Pung, pung kasili Ipinanganak sa kabibe Anong anak? Babae!
D.“Tabi-tabi po, apo

10. Basahin at unawain ang kasunod na tugmang de gulong.
Piliin ang nawawalang salita na kailangan upang mabuo ang diwa ng nasabing tugmang de gulong. “Sitsit ay sa aso Katok ay sa pinto __________ ang para sa tabi tayo’y hihinto.”

A. Isenyas B. Isigaw C. Sambitin D. Sundin

11. Ano ang isa sa matandang uri ng panitikan sa Pilipinas na ang karaniwang tauhan ay higante, duwende,ada, hari, reyna, diwata, at prinsesa at iba pang kakaibang nilikha?

A. alamat B. epiko C. kuwentong- bayan D. mito

12. Anong uri ng panitikang tuluyan ang isinusulat nang patalata na nagpapahayag ng sariling pananaw, kuro-kuro, opinyon, at damdamin tungkol sa isang mahalagang isyu o paksa?

A. dula B. sanaysay C. maikling kuwento D. nobela

13. Ano ang bahaging dapat pumukaw sa interes ng mga mambabasa upang maging epektibo ang isang akda?

A. katawan B. pamagat C. panimula D. wakas


14. ________________ napatunayan na ang bisa ng malunggay bilang halamang- gamot. Alin ang angkop na pananda ang dapat ipuno sa patlang?

A. Sa huli B. Kasunod C. Pagkatapos D. Sa simula

15. Aling bahagi ng banghay sa maikling kuwento ang pinakamasidhing bahagi kung saan kakaharapin ng pangunahing tauhan ang tunggalian o suliranin?

A. kasukdulan B. resolusyon/wakas
C. pababang pangyayari D. panimulang pangyayari

16. Ano ang panghalip na nasa unahan bilang pananda sa pinalitang pangngalan ang binanggit sa hulihan ng pangungusap?

A. anaporik B. kataporik C. modal D. pamatlig

17. Ano ang panghalip na nasa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalan ang binanggit sa unahan ng pangungusap?

A. anaporik B. kataporik C. modal D. pasaklaw

18. . Sila’y mga binatilyong kagaya ko, datapwa't may hawak na bote ng alak at sa mga bulang silang nilalagok ay unti-unting silang nangawala sa kanilang mga sarili. Anong panghalip ang dapat gamitin bilang pamalit sa salitang sinalungguhitan?

A. akong B. kaming C. kanilang D. siyang

19. ________________ napatunayan na ang bisa ng malunggay bilang halamang- gamot. Alin ang angkop na pananda ang dapat ipuno sa patlang?

A. Sa huli B. Kasunod C. Pagkatapos D. Sa simula pa

20. Ano ang karaniwang iniiwan ng isang akdang pampanitikan sa mambabasa?

A. alaala B. diwa C. kaisipan D. konsepto

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.