wag po SAGUTAN pag di alm
(Summative Test 2)
I. Bilugan ang konsepto ng pananaw na ginamit sa pangungusap at tukuyin kung
kanino pananaw o ideya ang mga ito.
1. Iniisip kong hindi makabubuti kanino man ang plano nila.
2. Ayon sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang Filipino ang pambansang
wika at opisyal na wika ng komunikasyon, maging sistema ng edukasyon.
3. Batay sa PHILVOLCS, naitala ang magnitude 4.5 na lindol sa Davao
Occidental na umabot sa 111 kilometro ang lalim at tectonic ang pinagmulan.
4. Ayon sa WORLD BANK, lubos na mahalaga ang pagtutulungan upang
umunlad.
5. Sa palagay ng maraming Pilipino, ang pagkapanalo ni Pacqiuao sa
kanyang mga laban ay ngangahulugang hindi pa siya magreretiro sa pagboboksing.
6. Sa ganang akin ang lahat ng bagay ay nakaplano sa kamay ng
Panginoon
7. Batay sa pag-aaral ng DSWD, mapanganib sa mga bata ang paglalaro
ng mga mararahas na internet games lalo na at nasa development stage pa lamang sila.
8. Sa palagay ni Mang Doming ay mawawala na ang Covid-19.
9.Sa pananaw niya ang buhay ay nakabase sa mga bagay na iyong
pinaniniwalaan.
10. Ayon sa isang kritiko, ang isyung pangkalikasan ay mas lumalala
Answers & Comments
KASAGUTAN:
1. Iniisip kong - sariling pananaw
2. Ayon sa - 1987 Konstitusyon ng Pilipinas
3. Batay sa - PHIVOLCS
4. Ayon sa - World Bank
5. Sa palagay - maraming Pilipino
6. Sa ganang akin - sariling pananaw
7. Batay sa - DSWD
8. Sa palagay - Mang Doming
9. Sa pananaw niya - kanyang pananaw
10. Ayon sa - isang kritiko
NOTE: I did not copy the answer from the first user who have already answered the question. I used my own thinking in answering this question.
#CarryonLearning