VI. Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP) A. Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay nagsasabi ng tamang gawain at Mali naman kung maling gawain.
1. Ang kulturang Pilipino ang nagpapakita ng ating pagkakakilanlan bilang isang bansa.

2. Bilang isang Pilipino, tungkulin nating alamin at pagyamanin ang ating kultura.

3. Upang magkaroon ng malalim na kaalaman sa isang pangkat, kinakailangan malaman mo ang kultura nito.

4. Ang mga Pilipino ay kilala sa kanilang natatanging pagpapahalaga sa kultura.

5. Ang epiko ay pasalitang anyo ng panitikan na matatagpuan sa mga grupong etniko.

6. Dapat nating ikahiya ang ating kultura.

7. Gawing kawili-wili ang pagbabasa ng kuwentong bayan, alamat at epiko.

8. Unang tangkilikin ang mga kuwento at palabas na gawa ng mga Koreano.

9. Ang bugtong ay patalinghagang pahayag na ginagamit ng matatanda noon upang mangaral at magbigay payo.

10. Mula sa pagkabata, natutunan natin ang paggalang sa kapwa.

11. Igalang natin ang mga nakatatanda sa atin.

12. Ang paggamit ng po at opo ay tanda ng paggalang.

13. Ang bugtong ay lubhang mapanghamon sa ating isip dahil sa matalinghaga nitong anyo.

14. Tangkilin ang mga sayaw at awiting banyaga kaysa sa atin.

15. Ang awiting Pilipino ay naglalarawan ng mga saloobin ng mga Pilipino sa buhay.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.