VI. A.Tukuyin kung anong paraan ng pagpapahayag ng damdamin o saloobin ang ginamit sa bawat bilang Isulat ang A kung pangungusap na padamdam, B kung maikling sambitla, Ckang pangungusap na tiyak na nagsasaad ng saloobin o damdamin at D kung pangungusap na nagpapahiwatig o di tuwirang paglalahad. 41. Labis yaring pangamba na maglayag na mag-isa, baka kung mapalaot na, ang mamangka'y di makaya. 42. Naku! Don Juan kailangan kong balikan ang aking singsing. 43. Tingnan mo ang aking daliri, dahil ito sa iyong kapabayaan Don Juan! 44. Mabigat man ang loob ng hari at reyna ay iginawad nila ang bendisyon sa Bunsong anak. 45. Nagalak ang matanda sa kabutihang loob ni Don Juan.
Answers & Comments
KASAGUTAN:
Vl. A.
1. Labis yaring pangamba na maglayag na mag-isa, baka kung mapalaot na, ang namamangka'y 'di makaya.
Sagot: C. Ang pangungusap ay nagsasaad ng damdamin o saloobin
2. Naku! Don Juan kailangan 'kong balikan ang aking singsing.
Sagot: B. Ang pangungusap ay may maikling Sambitla.
3. Tingnan mo ang aking daliri, dahil ito sa iyong kapabayaan Don Juan!
Sagot: A. Ang pangungusap ay isang padamdam.
4. Mabigat man ang loob ng Hari at Reyna ay iginawad nila ang bendisyon sa bunsong anak.
Sagot: D. Pangungusap na nagpapahiwatig o 'di tuwirang paglalahad
5. Nagalak ang matanda sa kabutihang loob ni Don Juan.
Sagot: C. Ang pangungusap ay nagsasaad ng damdamin o saloobin.
Pag-aralan natin ito!
Eksplanasiyon:
Pangungusap na padamdam - Ito'y nagsasaad ng masidhing damdamin. Ito'y gumagamit ng padamdam. ( ! )
Halimbawa:
- Ay nasusunog ang niluluto 'ko!
- Ay naiwan 'ko ang aking telepono!
Maikling sambitla - Ito'y paraan upang maipahayag ang damdamin at emosyon. Ito rin ay gumagamit ng padamdam ( ! )
Halimbawa:
- Yehey!
- Naku!
- Tulong!
Pangungusap na nagsasaad ng tiyak na damdamin o saloobin - Ito naman ang pangungusap na nagsasaad ng damdamin o emosyon sa anyong pasalaysay.
Halimbawa:
- Natutuwa Ako sa kanya
( Kaligayahan )
- Bakit kaya siya umuwi?
( Pagtataka )