V. Kilalanin ang tamang sagot ng sumusunod at isulat sa patlang.
______ 1. Ito ay isang ibong nag-iisa ang uri at sinasabing nabubuhay ng 500-600 taon.
______ 2. Tanging alaga ng ermitanyong nakababatid ng mga lugar at kilala sa taas ng paglipad at talas ng paningin.
________3. Ito ay ang mga dugong-bughaw, pinakamataas at pinakamakapangyarihang taong namumuno sa isang bansa.
________4. Siya ay kilala ring Aphrodite of Milos ng mga Griyego at diyosa ng pag-ibig at kagandahan.
________ 5. Ang ilog na ito ay mahalagang lugar sa Gitnang Silangan sapagkat itinuturing ito na sagrado dahil dumadaloy ito sa Dagat Galilee kung saan bininyagan si Hesus.
________ 6. Ito ay isang masaya at masiglang katutubong sayaw na sinasabayan ng mga palakpak
_________ 7. Isang banal na pangako o debosyong panrelihiyon para sa katuparan ng isang kahilingan.
__________8. Isa sa mga pangkat ng tao sa Pilipinas na matatagpuan sa gitnang Luzon, maitim, kulot ang buhok at tinatawag din silang Ita.
__________9. Isang matigas at maputing bahagi ng pangil ng elepante na ginagawa ring bola ng ng bilyar. ______10. Isa sa mga kilalang emperatris ng Constantinople na pinaniniwalaang nanguna sa paghahanap ng banal na krus na pinagpakuan kay Hesus.
pa help po
Answers & Comments
Panuto:
Kilalanin ang tamang sagot ng sumusunod at isulat sa patlang.
KASAGUTAN:
1. Ito ay isang ibong nag-iisa ang uri at sinasabing nabubuhay ng 500-600 taon. Fenix (Phoenix)
2. Tanging alaga ng ermitanyong nakababatid ng mga lugar at kilala sa taas ng paglipad at talas ng paningin. Agila
3. Ito ay ang mga dugong-bughaw, pinakamataas at pinakamakapangyarihang taong namumuno sa isang bansa. Monarkiya
4. Siya ay kilala ring Aphrodite of Milos ng mga Griyego at diyosa ng pag-ibig at kagandahan. Aphrodite/Venus
5. Ang ilog na ito ay mahalagang lugar sa Gitnang Silangan sapagkat itinuturing ito na sagrado dahil dumadaloy ito sa Dagat Galilee kung saan bininyagan si Hesus. Ilog Jordan
6. Ito ay isang masaya at masiglang katutubong sayaw na sinasabayan ng mga palakpak. Ba-ingles
7. Isang banal na pangako o debosyong panrelihiyon para sa katuparan ng isang kahilingan. Panata
8. Isa sa mga pangkat ng tao sa Pilipinas na matatagpuan sa gitnang Luzon, maitim, kulot ang buhok at tinatawag din silang Ita. Aeta/ayta
9. Isang matigas at maputing bahagi ng pangil ng elepante na ginagawa ring bola ng bilyar. Garing
10. Isa sa mga kilalang emperatris ng Constantinople na pinaniniwalaang nanguna sa paghahanap ng banal na krus na pinagpakuan kay Hesus. Reyna Elena/Santa Elena