Questions


September 2022 1 1 Report
Mabilis na lumalaganap na naman ang epidemiyang COVID 19. Napag-alaman
sa ulat ng Department of Health (DOH) na lagpas isang libong kaso ang naitatala nito
lang nakaraan sa bawat araw. Para mapigilan ang agarang pagkakahawaan ng mga
mamamayan, iminungkahi ng Department of Local Government (DILG) ang
pagkakaroon ng malawakang curfew sa buong Metro Manila. Ang curfew ay
inirekomendang gawin mula ika-10 ng gabi hanggang sa ika-5 ng umaga dahil na rin
sa iba’t ibang oras ng pagpapatupad ng curfew ng bawat lokalidad.
Para sa karagdagang impormasyon, panoorin ang ulat tungkol dito.
https://news.abs-cbn.com/news/03/10/21/uniform-curfew-sa-metro-manila-iminungkahi-ng-dilg
1. Tungkol saan ang teksto?
A. Paglaganap ng COVID 19.
B. Mabilis na pagdami ng mga nahawa sa virus.
C. Ang pagpapatupad ng curfew sa buong Metro Manila.
D. Ang mga dapat gawin ng pamahalaan para mapigilan ang COVID19.
2. Ano ang angkop na pamagat ng tekstong ito?
A. Curfew sa Metro Manila
B. Unified Curfew sa Buong Metro Manila
C. Curfew Ipatupad, COVID 19 Pigilan Natin
D. Ang Curfew ay Dapat Mula ika-10 ng Gabi Hanggang ika-5 ng Umaga.
3. Ano pa ang maaari nating ipamagat sa teksto?
A. COVID 19 Pigilan
B. May COVID 19 Mahigit Isang Libo
C. COVID 19 Dumadami na Naman
D. DOH Nagbabala Tungkol sa COVID 19
4. Anong ahensya ng pamahalaan ang nagmungkahi ng isahang oras ng “curfew”?
A. Department of Health
B. Department of Education
C. Department of Philippine National Police
D. Depart of Interior and Local Government4
5. Ayon sa DILG, bakit kailangang magkaroon ng isahang oras ng “curfew”?
A. Para mabawas ang mga tao sa kalsada
B. Para makapagpahinga ang mga tao sa tamang oras
C. Para mapigilan ang lalong paglaganap ng COVID 19.
D. Para matulungan ang DOH sa pagpatigil sa pagkalat ng virus.
6. Ayon sa ating pamahalaan, ano ang ibig sabihin ng “curfew”?
A. Bawal lumabas ng bahay.
B. May oras ang pagtigil sa labas ng bahay.
C. Paghuli sa mga taong nasa labas ng bahay.
D. Dapat na umuwi na sa kanilang mga bahay ang mga tao sa takdang oras.
7. Ano ang gagawin mo kapag narinig mong nagpapaalaala ang inyong barangay
tungkol sa “curfew”?
A. Makinig nang mabuti sa tagubilin.
B. Sabihin sa mga kapitbahay na mayroong curfew.
C. Alalalahanin ang mahahalagang bagay tungkol sa anunsyo.
D. Sabihan ang mga kapatid na huwag lumabas ng bahay dahil sa curfew.
8. Kung ikaw ang magbibigay ng tamang wakas sa ulat na iyong napanood, ano ito?
A. Gumaling ang lahat ng mga tao sa Metro Manila.
B. Wala ng nagkaroon ng virus sa Kalakhang Maynila.
C. Napigilan ang lalong pagdami ng nahawaan ng COVID.
D. Nagsasama sama ang lahat ng lokal na pamahalaan para labanan ang virus.
9. Ano ang magiging angkop na wakas kapag nagtulungan ang mga ahensya
ng pamahalaan sa paglaban sa COVID 19?
A. Lahat ng mamamayan ay nabakunahan na.
B. Unti unting naapula ang pagkalat ng sakit na COVID.
C. Wala ng Pilipinong nagkaroon ng kahit na anong uri ng sakit.
D. Lahat ng mamamayan ay nagkaroon ng maayos na kalusugan.
10. Ano ang kahahantungan sa hindi pagsunod sa “curfew”?
A. Pina-igting ng barangay ang pagpapatupad ng curfew.
B. Maraming barangay tanod ang nagroronda sa bawat purok.
C. Kasama ng mga pulis ang mga tanod sa pagroronda sa buong barangay.
D. Ipinatawag ng kapitan ang lider ng bawat purok para sila ang magsabi sa
kanilang nasasakupan.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.