Questions


October 2022 1 9 Report
LABAW DONGGON
aan (Epiko ng Lambunao, Iloilo)
Si Labaw Donggon ay isa sa tatlong anak nina Diwata Abyang Alunsina at Buyung Paubari. Kagila-gilalas ang katauhan ni Labaw sapagkat kaagad siyang lumaki pagkasilang pa lamang niya. Isa siyang matalinong batà, malakas, at natuto kaagad magsalita. Minsan ay nagpaalam siya sa kaniyang ina upang hanapin ang isang babaeng nagngangalang Anggoy Ginbitinan. Kaagad niyang narating ang lugar ng babae at napasang-ayon niyang magpakasal sa kanya. Hindi pa nagtatagal na sila ay nakasal, umalis na naman si Labaw upang suyuin ang isa pang babaeng si Anggoy Doroonan. Ito ay naging asawa rin ni Labaw. May nabalitaan na naman siyang isang magandang babaeng nagngangalang Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata kaya't pinuntahan na naman niya ito. Ngunit si Nagmalitong Yawa ay may asawa na, si Buyong Saragnayan. Ayaw ibigay ni Buyong Saragnayan ang asawa kay Labaw kaya't sila ay naglaban. Tumagal ng maraming taon ang paglalabanan dahil kapwa sila may taglay na pambihirang lakas. Inilublob ni Labaw si Buyong sa tubig at ito'y tumagal ng pitong taon sa ilalim ng tubig. Hinampas ni Labaw si Buyong ng matitigas na puno ngunit nalasog lamang ang mga ito. Hinawakan ni Labaw si Buyong sa mga paa at inikot-ikot ngunit buhay pa rin ito. Napagod si Labaw at stvd to enaman ay itinali ni Buyong na parang baboy. Siya ay nanatiling nakatali sa ilalim ng bahay nina Buyong Samantala, nagkaanak si Anggoy Doroonan, si Baranugun. Nagpaalam siva sa ina upang hanapin ang kaniyang ama. Nagkaanak din si Anggoy Ginbitinan, si Asu Mangga. Nagpaalam din sa ina si Asu Mangga upang hanapin ang ama. Nagkita ang magkapatid at nagsama sila upang mapalaya ang ama sa mga kamay ni Buyong sa isang labanan. Naglaban ang dalawa ngunit hindi nagapi ni Buyong si Baranugan. Humingi ng tulong sa mga impakto si Buyong at isang kawan ang dumating sa ganitong pagkakataon nagtulong ang magkapatid at nagtagumpay sila. Ngunit hindi mamatay matay si Buyong. Si Barunugan ay humingi ng tulong sa kaniyang lolang si Abyang Alunsina. Ayon sa lola, kailangang pumatay silang magkapatid ng isang baboy-ramo upang mapatay nila si Buyong Natagpuan naman agad ng magkapatid ang baboy ramo at ito ay kaagad nilang pinatay. Lumindol at nagdilim nang mapatay ng magkapatid si Buyong Ipinagpatuloy ng magkapatid ang paghahanap sa kanilang ama ngunit wala ito sa silong ng bahay ni Buvong. Sina Humadapnon at Dumalapdap, mga kapatid ni Labaw ay tumulong din sa paghahanap sa kaniya. Natagpuan nila si Labaw na hindi na makarinig at hindi na magamit ang pag-iisip. Pinaliguan ni Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon si Labaw, binihisan at pinakain. Inalagaan nila ito nang mabuti. Samantala si Buyung Humadapnon at Buyung Dumalapdap ay ikinasal kina Burigadang Pada Sinaklang Bulawan at Lubaylubyok Hanginon Mahuvukhuvukon. Ang dalawang babae ay ang magagandang kapatid ni Nagmalitong Yawa, Nang malaman ni Labaw Donggon ang kasal sinabi nito sa dalawang asawa na nais niyang mapakasalan si Nagmalitong lawa Sinagmaling Diwata "Gusto kong magkaroon ng isa pang anak na lalaki!" sabi ni Labaw Donggon Nagulat sina Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon sa sinabi ng asawa at dahil mahal na mahal nila ang asawa ay tinupad nila ang kahilingan nito. Masayang masaya si Labaw nang naibalik ang kaniyang lakas at sigla ng isip at ang kaniyang tinig ay umalingawngaw sa buong lupain. Nagustuhan mo ba ang epikong iyong binasa? Bago natin ito talakayin ang kuwento, sukatin mo muna ang iyong kaalaman kung pano nabuo ang ilang salitang ginamit dito.

yan po ung kwento

this is 10 points not to: incorrect/nonsense/unhelpful​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.