Questions


October 2022 1 1 Report
UNDWdu ang kuwento.
mga pabula, sapagkat
U at
Si Osang at si Leona
Analyn V. Lasprilla
Isang araw, namasyal ang usang si Osang sa kagubatan. Bigla siyang dinamba ng leong si Leona. Nakiusap
si Osang na huwag siyang kainin. Nag-isip ng paraan si Osang kung paano siya makakawala.
“Bago mo ako kainin ay may ipagtatapat akong lihim sa iyo", ang sabi ni Osang. "Anong lihim ang
ipagtatapat mo?" tanong ni Leona. "Pakawalan mo muna ako at sasabihin ko sa iyo", ang sabi ni Osang.
"Alam mo, sa paglubog ng araw mamaya ay magugunaw na ang mundo. Lahat ng bagay sa ibabaw ng lupa
ay mawawala, ngunit may paraan ako upang ikaw at ako ay makaligtas." sabi pa ni Osang. "Anong paraan
upang ikaw at ako ay makaligtas. Anong paraan ang gagawin mo para tayo makaligtas? ang tanong ni
Leona. “Sumama ka sa akin sa punong iyon”, yaya ni Osang. Nang marating nila ang puno, inutusan ni
Osang si Leona na sumandal sa puno, pagkatapos ay kumuha siya ng baging at itinali niya si Leona nang
mahigpit sa puno. “Hoy! paano ako makaliligtas dito?” nagtatakang tanong ni Leona. "Hintayin mo lamang
ang paglubog ng araw at diyan tiyak ligtas ka", tugon ni Osang.
"Pakawalan mo ako rito", ang galit na galit na sabi ni Leona. Pangiti-ngiti lamang na umalis si
Osang. Walang nagawa si Leona.
Panuto: Sagutin ang mga tanong tungkol sa nabasang teksto. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Bakit dinamba ni Leona si Osang? Anong katangian mayroon si Leona?
2. Anong paraan ang naisip ni Osang upang siya ay makaligtas kay Leona? Anong katangian ang
taglay ni Osang?
3. Tama ba ang ginawa ni Osang na itali si Leona sa puno? Anong katangian ang ipinakita ng mga
tauhan sa kuwentong napakinggan?
4. Kung ikaw si Osang, ganoon din ba ang gagawin mo? Bakit?
5. Ano ang mahalagang mensahe para sa iyo ng pabula?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.