Unawain Natin
Narito ang isang journal ni Tanya. Basahin nang tahimik at sagutin ang mga tanong na nasa ibaba sa iyong kuwaderno.


Nang magsimula ako ng Filipino 4, hindi ko inaasahang mas mahirap ang trabaho. Pagkatapos ng isang taon sa Wikang Filipino,inakala ko na maging magaling ako rito.Hindi ko ginamit ang wika nang madalas at marami akong nakalimutan.Pero ngayon sinisikap kong mabuti na magsanay sa paggamit nito. Sa pagbabasa hirap ako sa mga salita at sa pagbigkas nang maliwanag sa mga salita. Sa ibang araw, naghahalu-halo ang mga salita at ‘di ko makita ang mahalagang pantig. Ngayon
binabasa ko nang malakas ang ating leksiyong pag-aaralan gabi-gabi at binabasa ko ulit ang ating mga sanaysay na napag-aralan na natin. Mas naging maalam ako sa pagbigkas ng mga letra at pantig. Sa pagsusulat, nagsasanay ako sa mga pandiwa, Nagsusulat ako ng panahunan ng pawatas,perpektibo, imperpektibo at kontemplatibo. Bumuo ako ng pangungusap para masanay ako sa pagbuo ng panghalip.Pag-aaralan ko ang tsart na panauhan at panghalip.Dapat at gusto kong memoryahin ang buong tsart. Sa pagsasalita, nakipag-usap ako sa nanay at tatay ko. Kapag tinatawagan ko sila nag-uusap kami sa Filipino. Iwinawasto nila ako kapag mali ang pagsasalita ko ng Filipino. Kapag umuuwi ako sa aming bahay, sinisikap kong kausapin ang pamilya ko sa Filipino. Pinipilit kong husayan ang pagbigkas ng mga salita. Nais ko talagang maging mahusay sa pag-aaral ng Filipino. Mahalaga sa akin ang matutong magbasa at magsulat ng Filipino.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Tungkol saan ang binasang journal?
2. Sa iyong palagay bakit hindi gaanong magaling magsalita ng Wikang Filipino si Tanya?
3. Paano siya natuto sa pagbabasa, pagsusulat, at pagsasalita ng Wikang Filipino?
4. Bakit sa palagay mo mahalaga sa kaniya ang matuto ng Filipino?
5. Kung ikaw si Tanya, bakit kailangan mong matuto at pag-aralan ang ating sariling wika?

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.