Questions


September 2021 1 17 Report
Unawain Natin

Gawain 2

Panuto: Basahin ang kasunod na tula. Isulat ang mga saknong na nagpapahayag ng

damdamin sa tulong ng kasunod na talahayan.

KAWAY NG PANAHON

ni Arturo S. Cabuhat

Kumakaway ka pa,

habang papa-akyat sa

malaking ibon

sa bawat hakbang,

binilang-bilang ang

kasagaang dito’y malilikom;

habang ako Anak

bukod sa salapi’y luha ang

pabaon,

at pag-aalala

na di mo sumpungin na dito’y

humapon.

Sa simula’y papel ang siyang

nag-ugnay,

sa malayong dagat

at dito sa pulong

kinahihimlayan

Mga balita mo’y

nagbibgay sigla sa pusong

sugata’t

tanging umaaliw

sa pagal kong isip ng iyong

naiwan

ang sabi mo Anak

pagbabalik dito taglay mo’y

yaman

kaya mo dinayo

ang malayong pook at dito’y

lumisan

Maligaya ako

sapagkat natupad ang iyong

pangarap,

maligaya ako

kahit pinutol mo

Isang munting pagal

Ang pinahahawakan dito sa

aking palad

nag-utos na ako’y maghanda’t

magbangon sa nahihimlayan

ng aking pangarap.

Tuwang-tuwa ako,

bukas itong palad sa

kanyang pagtanggap ,

tagal na panahon

ngayon ay babalik ang

bugtong kong anak.

Ang malaking ibong

kinalulunan ng mga halakhak,

ngayo’y naririto

ang iniluluwa ay labi ng iyak.

Kumakaway ka pa

habang papa-akyat sa malaking

ibon,

ano’t bababa kang

tila nakasilid sa malaking

kahoy,

ito ba ang sagot

sa paghihintay ko’t

pagpapalang gayon?

tanggapin ang anak

na walang hininga’t malamig na

marmol.

Ngayo’y panibago

ang muling lilisa’t kakaway sa

akin,

taglay ang pamana

magandang pangaral at mga

tulain;

lilisan ang anak at muling lilimot

babalik sa aking

pugto ang hininga’t

sara itong bibig, ni ayaw

dumaing.

ang papel na dito sa aki’y

lumagpak;

kahit na nawala

ang mga balita ako’y nagalak,

naghintay na lamang

sa pagkatoko sa pinto’y ilapag

sa palad

Anak,

nangangamba ako

Bakit hinayaang dala mo’y

isip mo’y nakawin nitong ibang

bayan?

Itinakwil mo na

ang mga tula mo’y dito’y

natutuhan

at hinayaang mong ikaw ay

saklawin ng

lupang nahilaw;

Nakalimot ka na

sa mga pangaral na aking

binibigay,

sa ilalim ng dagat,

itinapon mo na maganda mong

asal

Wala na ang lahat,

makailang beses puno’t dulo

ang mga taglagas,

Pinid na ang pinto

sapagka’t sa pilak,

ang dito’y katumbas

ako’y pinagpalit ng hunghang

kong anak.

Walang anu-ano

ay biglang nagngalit ang mga

lagalas

at ako’y pinukaw ng mga

darating ang anak.

Saknong Damdamin Patunay
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
Ibang punong kahoy ay
nangagbulagta.
Lubusang napigtas ang ugat
sa lupa;
Ngunit ang kawayan,
bagama’t salanta
Bali man ang tadyang ay
hindi tuluyang
subasob at dapa.
Ang mga bagya’y lilipas,
tatakas, papanaw;
At muling ngingiti’t sisikat ang
araw…
Angmga kawaya’y
magbabagong buhay.
Tingala ang noo sa langit na
bughaw –
parang nagdarasal.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.