Questions


October 2022 1 1 Report
Unawain Natin
Upang higit pang mapalalim ang iyong pagka-unawa sa araling ito, basahin at
unawain mong mabuti ang anecdota sa ibaba at sagutin ang mga kaugnay na tanong sa
ibaba.

Habang patungo sa Ilog Ganges upang maligo
ang isang gurong Hindu, nadaanan niya ang isang
pamilyang nagtatalo-talo at galit na sinisigawan ang isa’t
isa. Tinanong nito ang mga kasamang mag-aaral, “Bakit
sumisigaw ang tao sa pakikipag-usap kung siya ay
nagagalit?” Sumagot ang isa, “ Nawawalan tayo ng
pasensiya kaya’t tayo ay sumisigaw.”

“Ngunit bakit kailangan nating sumigaw
gayong ang ating kausap ay nasa tabi lang natin?
Maaari namang sabihin ang ating kinagagalit sa
mahinahong paraan?” tanong muli ng guro.

Nagbigay pa ng sagot ang ilan sa mga mag-
aaral ngunit hindi nasiyahan ang guro sa kanilang mga

ibinigay na pangangatuwiran. Sa huli ay nagpaliwanag
ang guro, “ Pinaglalayo ng galit ang mga puso ng tao sa isa’t isa. Dahil dito kailangan
nilang sumigaw upang marinig ang isa’t isa. Samakatuwid, mas lumalakas ang
pagsigaw habang lalong tumitindi ang galit at lalong magkalayo ang kanilang mga
damdamin.

2

Ano naman ang mangyayari kung nagmamahalan ang dalawang tao? Hindi
sila sumisigaw, sa halip ay mahina at mahinahon ang kanilang pag-uusap sapagkat
magkalapit ang kanilang mga puso.

Habang lalo nilang minamahal ang isa’t isa, lalo namang naglalapit ang
kanilang mga kalooban, kaya’t sapat na ang mga bulong upang ipahayag ang
damdamin. Sa huli’y ni hindi na kailangan pa ang mga pangungusap o salita. Ang
kanilang mga kilos ay sapat na. Ganyan sila magiging kalapit sa isa’t isa. Matapos
ang paliwanag ay sinabi ng guro kung kayo’y nakikipagtalo o nakikipagpaliwanagan,
lalo’t sa minamahal, huwag ninyong hayaang maglayo ang inyong mga kalooban.
Maaaring dumating ang panahong malimot na ang daan patungo sa isa’ isa. Maaaring
maging dahilan ito ng inyong paghihiwalay ng landas.”

Sagutan ang mga sumusunod na tanong sa sagutang papel.
1. Ano ang ipinahihiwatig ng anekdotang iyong nabasa?
2. Ano ang iba’t ibang uri ng komunikasyon na iyong nakita sa anekdota?
3. Alin sa mga nabanggit na uri ng komunikasyon ang hindi nakatutulong sa mabuting
daloy ng komunikasyon? Ano naman ang mabisa? Ipaliwanag.

PLEASE PO WAG YUNG NONSENCE NA ANSWER KASI PO DEADLINE NAPO PLSS LANG THANK YOU!

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.