Questions


October 2022 1 2 Report
(Unang Araw ng Ikalawang Linggo)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Basahin ang sanaysay tungkol sa isang panrelihiyong ritwal. Hanapin kung anong
mga ginamit na simbolo sa rilwal at tukuyin kung paano nakatutulong sa pagtaas ng antas ng ispiritwalidad ng
isang tao ang pagsunod sa mga ritwal na kagaya nito. Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong
sa sagutang papel.
Phakedits, sestpacetravel
Kilala ang bansang Laos sa pagkakaroon ng mga estatwa ng Buddha na may iba't ibang mantra. Ang
mantra ay salita o parirala na ginagamit sa meditasyon at pinaniniwalaan na nagtataglay ng kapangyarihang
espiritwal. Natatanging sa Laos lamang ang Buddha na tumatawag ng ulan. Sa panahon ng Boun Pi Mai
(Bagong Taon), may seremonya ng paghuhugas ng mga estatwa ng Buddha.
Ginaganap ang pagdiriwang ng Boun Pi Mai sa Laos tuwing Abril. Ipinagdiriwang ito ng tatlong araw.
Bawat araw ay may iba't ibang mga gawain. Paglilinis sa bukal, paghuhugas ng buhok, at pagtatayo ng mga
punso ng buhangin ang ilan sa mga bagay na ginagawa ng mga taong Lao sa unang araw o ang Mur
Sangkhane Pai o Luang.
Sa ikalawang araw o Mur Sangkhane Nao, binibisita ang mga kaibigan at pumupunta sa mga templo
ang mga Lao at nililinis ang mga imahe ng Buddha. Ang seremonya ng paglilinis gamit ang tubig ay simbolo ng
paglilinis ng mga kasalanan na nagawa sa buong taon. Pagkatapos ng seremonya ng paglilinis ng Buddha,
nagbubuhusan ng tubig ang mga tao, anuman ang estado sa buhay o saan man sila nanggaling.
Sa ikatlong araw, nag-aalay ng pagkain sa mga monghe ang mga tao, nakikinig sa mga pangaral o
sermon ng mga mongheng Buddhista. Kumakain din sila ng larb sa araw na ito. Ang larb ay isang espesyal na
uri ng salad na karne na sinangkapan ng bagoong isda (fish sauce) at dayap (lime) upang magdala ng suwerte.
Nagbibigay-galang din ang kabataan sa kanilang mga magulang at nakatatanda. Naglalagay din sila ng
puting tali sa paligid ng pulso upang magsabi ng "Manigong Bagong Taon!".
Mga Tanong:
1. Paano ipinagdiriwang ang Boun Pi Mai?
2. Ano ang mga katangi-tanging gawain sa pagdiriwang na ito?
3. Anong mga simbolikong ritwal ang ginaganap ng mga tao sa Laos?
4. Paano naipakikita ang kabanalan sa pagdiriwang ng Boun Pi Mai?
5. Paano nakatutulong sa pag-angat ng ispiritwalidad ng isang tao ang pakikiisa at pagsunod sa mga
ritwal na kagaya ng inilalahad sa sanaysay?
Tinuturuan tayong maging mabuti ng ating relihiyon. Pinalalalim nito ang ating pananalig sa Diyos.
Ginagawa tayo nitong higit na mabuting mga tao at lalo tayo nitong inilalapit sa kinikilalang Lumikha. Kapag
napaunlad natin ang pananalig, lumilikha tayo at sumusunod sa isang landas ng kabanalan.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.