Questions


October 2022 2 4 Report
ULAP
J.C de Jesus

Dati akong panyo ng mahal na birhen
Na isinalalay sa pakpak ng anghel;
Maputi, malinis, maganda, maningning,
Ang lahat sa langit, naiinggit sa akin.

At ako'y ginamit kung saan saan,
Pamunas ng noo ni Bathalang mahal;
Kung gabi'y kulambo't kung araw'y kanlungan,
Lalong pampaganda sa bukang liwayway.

Kung umaga ako'y ginto sa liwanag,
Karong sinasakyan ng araw sa singa;
At kung gabi namang tahimik ang lahat,
Dahilan sa buwan, nagkukulay pilak.

Dati akong puti, busilak ang ganda,
Sa Diyos pamunas sa tuwi-tuwi na;
Sa Birhen ay panyong pamahid sa dusa,
At sa mga tala ay kulambo nila.

Dahilan sa ganyang dami kong gawain,
Ako ay dumumi, lumungkot, umutim,
At ang katawan kong ibig kong basain,
Kapag lumitaw na, ulan ay darating.

At ngayon sa aki'y sawa na ang lahat,
Di na nagunita ang lahat kong hirap,
Diyos ang may sabi: Ang aking pamunas
Nang marumihan na'y tinawag kong ulap.


Magbigay ng limang salitang naglalarawan mula sa tulang binasa.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.