Questions


September 2022 1 3 Report
Tuwang-tuwa ang buong baryo. Nalalapit na naman ang
pagdiriwang ng kanilang kapistahan. Tulad ng dati, tatlong araw na
namang ipagdiriwang ang kaarawan ng kanilang patrong si Nuestra
Señora Buenviaje. Gaya ng inaasahan, walang tigil na pagsasaya ang
magaganap sa buong baryo sa tatlong araw ng pagdiriwang. Walang
tigil ang handaan para sa lahat. Bawat tahanan, mayaman o dukha ay
tiyak na may handa. “Walang saysay ang tatlong araw na pagdiriwang kung walang
pagodang igagayak,” ang sabi ng Kapitan ng Barangay. “Naging
tradisyon na sa ating baryo na ilibot ang patron sakay ng bangkang
napapalamutian ng iba’t ibang kulay ng mga ilaw at sari-saring
dekorasyon tulad ng mga prutas at gulay na inani natin taun-taon,”
dagdag pa ng Kapitan. “Ang ibig ninyong sabihin, Kapitan, muling magkakaroon ng
prusisyon sa ilog?”ang tanong ng isang lalaking may maputi nang
buhok. “Talaga namang iyan ang ginagawa natin taun-taon, di ba?” ang
balik na tanong ng Kapitan.” Napakaraming biyaya ang ipinagkaloob sa
atin ng ating patron sa taong ito. Higit sa tatlong doble ang inani nating
palay kung ihahambing sa mga nakaraang taon. At higit na maraming
isda tayong nahuli sa taong ito. Napakaamo ng dagat kaya’t ibig kong maging higit na maganda,
masaya at makulay ang kapistahan natin sa taong ito,” paliwanag pa
nito.
“Ngunit, Kapitan, napakarumi ng ilog. Kailangan malinis muna
natin ito. Tambakan na ng basura ang ilog natin,” ang malungkot na sabi
ng isang dalaga. “Hayaan mo’t bukas na bukas din ay ipalilinis ko ang ilog. May
tatlong araw pa bago dumating ang masayang araw na ating
pinakahihintay. Ang ilog na lang ang problema makalawa,” ang sabi ng
Kapitan.
Lumipas ang isa, dalawa at tatlong araw. Hindi naipalinis ni
Kapitan ang ilog. “Hindi ko naipalinis ang ilog dahil abala tayong lahat sa
prusisyong gaganapin,” umpisang paliwanag ng Kapitan. “Hindi bale,
pag daraan ang bangka, tiyak namang mahahawi ang mga dumi at sukal
na naghambalang sa ilog.” Araw ng pistang baryo. Handang-handa na ang lahat sa
prusisyong magaganap. Naroon na sa bangka ang patron. Kayganda na
bangka! Ang liwanag nito at napakaraming dekorasyon may iba’t ibang
kulay, hugis at sukat. Kayraming taong ibig sumakay sa bangka. Nangatakot ang mga lulan ng Bangka. Ibig nilang makaalis. Ibig
nilang tumalon. Ibig nilang lumundag sa ilog.
Nagkagulo ang mga tao. Ang lahat ay nangatakot.

Nangagsisigaw. May mga nagdarasal. Maraming umiiyak at

nananaghoy. At…at…unti-unting lumulubog ang bangka, kasama ang di
mabilang na mga sakay nito.
Kinabukasan, laman ng pang-umagang pahayagan ang balitang
may 205 sakay ng bangka ang namatay sa aksidenteng iyon. Mahigit pa
ring 100 tao ang nawawala.
Saka naisip ni Kapitan ang ilog. Ang maruming ilog na pinarumi ng tao.

Mga tanong:
1.Sinong patron ang ipinagdiriwang sa pista ng baryo?

2.Ilang araw naghanda ang mga tagaroon?

3.Ano ang pinakatampok na bahagi ng pagdiriwang?

4.Bakit nagdiriwang ang mga tagabaryo sa kapistahan ng kanilang
patron?

5.Ano ang pagoda?

6.Nakakapamiyesta ka na ba sa baryo? Ano ang napapansin mo sa
bawat tahanan?

7.Ano ang naganap sa araw ng pista? Bakit nangyari iyon?

8.Sa iyong palagay, sino ang dapat sisihin sa trahedya?

9.Anong aral ang natutuhan mo sa kuwento?

10. Bilang mag-aaral, ano-ano ang magagawa mo para sa kalikasan?

{pls po pasagot po ng maayos plsa thank you po! Barely needed na po talaga eh thx} ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.