Tunay na kilala at tanyag ang kontinente ng Asya pagdating sa usaping panitikan. Sapagkat ang Panitikang Asyano ay masining, kawili-wiling basahin at kapupulutan ng tunay na aral sa buhay. Karaniwang pinapaksa sa mga akdang pampanitikan ng Asya ang mga kaugalian, gawi, kultura, uri ng lipunan at pamahalaan at maging ang paraan ng pamumuhay ng mga Asyano. Kilala ang mga tao sa Timog-Silangang Asya sa pagiging masayahin, magalang, mapagmahal sa pamilya, madasalin at ang pagiging matulungin. Karaniwang ikinabubuhay ng mga tao rito ang mga gawaing agrikultural gaya ng pagtatanim at pangingisda. Sa pagtalakay natin sa iba't ibang kultura at gawi ng mga tao sa Timog-Silangang Asya, sabay rin nating pag-aralan ang ilan sa kanilang panitikan na may malaking impluwensya rin sa uri ng panitikan na mayroon tayo sa kasalukuyan. Ngunit, sikapin mo munang balikan sa nakatalang gawain ang mga mahalagang kaugalian ng mga Asyano sa Timog-Silangang Asya . Tukuyin kung anong kaugalian o gawi ang ipinakikita ng mga larawan. Isulat ang sagot sa patlang.
Answers & Comments
Answer:
1.Nagmamahalang pamilya
2.Nagmamano at nag bibigay respeto
3.Matulungin sa kapwa tao
4.Nagdadasal at nagpapasalamat sa diyos
5.Masayahing bata