Si Daniel Tria Tirona ay isang pinuno ng rebolusyon. Lumahok siya sa rebolusyong Pilipino laban sa kolonyal na paghahari ng Espanya at sa digmaang Pilipino-Amerikano.
Ipinanganak si Tirona sa bayan ng Cavite el Viejo na ngayon ay Kawit sa lalawigan ng Cavite. Mayroon siyang kapatid na nakatatanda, si Candido Tria Tirona. Nag-asawa siya ng apat na beses, nabalo nang tatlong ulit at may tatlong anak. Nagtrabaho siya bilang isang guro. Nakapagtapos siya ng Bachelor of Arts mula sa Colegio de San Juan de Letran at nag-aral ng Law sa University of Santo Tomas.
Siya at ang kanyang nakatatandang kapatid na si Candido ay naging kasapi ng Katipunan, isang lipunan na itinatag ni Gat Andres Bonifacio. Ang magkapatid ay mga miyembro ng Magdalo, isang pangkat ng Katipunan mula sa Cavite. Sila ay malapit na kaanib ni Emilio Aguinaldo, alkalde ng Cavite el Viejo at ang pinaka-kilalang kasapi ng Magdalo.
Matapos ang pagsiklab ng Rebolusyong Pilipino sa mga huling araw ng Agosto 1896, itinigil ni Tirona ang kanyang pag-aaral sa Law. Sa mga ilang lalawigan na may pag-aalsa, ang Cavite ang nagtamasa ng pinakamaraming tagumpay at nakontrolado nila halos ang buong lalawigan noong Setyembre hanggang Oktubre 1896.
Si Tirona ay nakadalo sa Tejeros Convention noong Marso 22, 1897, kung saan ang mga pinuno kasama ang Supremo ay nagpulong upang lutasin ang hidawaan ng Magdalo at Magdiwang, mga pangkat ng Katipunan sa Cavite. Pinamunuan ni Andres Bonifacio ang pagpupulong na nauwi sa halalan. Tumulong si Tirona sa pagkakalat ng mga balota. Nagwagi si Aguinaldo bilang pangulo at si Bonifacio bilang director del interior. Tinutulan ni Tirona ang pagkahalal ni Bonifacio bilang director del interior at iginiit na ang dapat mahalal ay isang abogado. Ikinagalit ito ng Supremo at agad na umalis si Tirona sa silid-kapulungan. Dahil sa nangyari, idineklara ni Andres Bonifacio ang naganap na halalan na walang bisa. Sa mga sumunod na araw, hindi kinilala nila Andres Bonifacio ang pagkahalal kay Aguinaldo bilang bagong pangulo. Sa kalaunan, inaresto si Bonifacio, nilitis at sinintensyahan ng kamatayan ng gobyerno ni Aguinaldo.
Pagkatapos mabawi ng mga Espanyol ang Imus, Cavite noong Marso 25, si Gobernador-Heneral Camilo de Polavieja ay nag-alok ng amnestiya sa mga susukong rebelde. Sinamantala ni Tirona ang alok na amnestiya.
Gayunpaman, bumalik si Tirona kay Aguinaldo kinalaunan. Si Aguinaldo ay ipinatapon sa Hong Kong noong Disyembre 1897 alinsunod sa kasunduan sa Biak-na-Bato kung saan hudyat na nagtapos ang rebolusyon. Noong Mayo 1898, ang Pilipinas ay muling nagkagulo dahil sa digmaang Espanyol-Amerikano. Bumalik si Aguinaldo sa Pilipinas at muling ipinagpatuloy ang rebolusyon at naging kaalyado ng Estados Unidos upang kalabanin ang Espanyol. Si Tirona ay saksi at isa sa lumagda ng Philippine Declaration of Independence noong Hunyo 12.
Nagsimula bilang koronel, pinangunahan ni Tirona ang ekspedisyong militar na ipinadala ni Aguinaldo sa Cagayan noong Agosto. Pagkatapos ay naatasan siya bilang gobernador militar ng Cagayan at Isabela at kinalaunan ay naging ganap na brigadier-general. Kinatawan ni Tirona ang lalawigan ng Batanes sa Kongreso ng Malolos noong 1898-1899.
Nang sumiklab ang digmaang Pilipino-Amerikano noong Pebrero 1899, sa kabila ng pagkakaroon ng mga mahuhusay at armadong kagamitan na tropa, sumuko siya noong Enero 1900 nang hindi man lang nakapagpaputok ng baril. Naipagbigay-alam kay Aguinaldo na si Tirona ay naging utusang general ng mga Amerikano, naging taga-linis ng mga sapatos at taga-silbi ng pagkain.
Sinuportahan ni Tirona ang kolonyal na Amerikano matapos madakip si Aguinaldo noong Marso 1901. Isa siya sa mga kumatawan ng Cavite el Viejo na nakipagpulong sa Taft Commission nang bumisita sa Cavite noong Hunyo 6. Sa parehong taon, hinawakan niya ang posisyon ng panlalawigang kalihim ng Cavite. Pagkatapos ay nagsilbi bilang panlalawigan na assessor at treasurer ng Tarlac.
Namuhay si Tirona hanggang sa pagkatatag ng Komonwelt ng Pilipinas noong 1935. Namatay siya noong 1939 nang mag-umpisa ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Answers & Comments
Answer:
Daniel Tirona
Hulyo 22, 1864 - Setyembre 2, 1939

(Correct me if I'm wrong)