Questions


August 2022 1 1 Report
tulong po plss...T-T-T-T

PAKIKIPAGKAPUWA

By: Jejomar G. Villacorte

Sa daloy ng ating mga buhay Mas masaya kung may kaagapay.
Makiisa at sumabay sa paglalakbay Lagyan natin ng kulay ang ating buhay.

Tumulong palagi sa bayan
Isaisip, isapuso at huwag dapat lubayan.
Laging isaalang-alang kapakanan ng kapwa
Pagkalinga at pagtulong ay tiyak na magagawa.


Makibahagi para sa kabutihan ,
Upang tumibay pagkakaibigan at pagsasamahan. Sa lahat ng pagkakataon
Gamitin bawat segundo, minuto, buwan at taon.

Lagi nating isipin na ang pagtulong ay masaya,

Wala sa liit o laki basta sa puso ay kayang-kaya.
Huwag ka nang tumingin sa malayo
Sapagkat pagmamahal at pagmamalasakit ay nasa sa’yo.
Sana ay lagi nating lahat na tatandaan

Sa mundong ito tayo lamang ay dumadaan.
Gamitin ang talento at kakayahan at makisama Sapagkat ang pakikipagkapuwa ay laging tama.

Sagutin ang mga katanungan.
1. Ano ang ibig ilahad ng tula?
_______________________________________________
2. Ano ang ibig sabihin ng pakikipagkapuwa batay sa tula?
_______________________________________________________
3. Mahalaga ba ang pakikipagkapuwa? Ipaliwanag ang iyong sagot.
_____________________________________________________________
4. Bilang isang mag-aaral paano mo maipapakita ang pakikipagkapuwa?
____________________________________________________________________
5. Tumukoy ng isang tao na nagpapakita ng pakikipagkapuwa. Ilahad ang kanyang ipinakitang pakikipagkapuwa.
_________________________________________________

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.