Ayon sa salaysay, ang bahay na ito ay itinayo noong 1900’s ng isang mayaman at makapangyarihang hacienderong si Don Mariano Ledesma Lacson (1865-1948)- para sa kanyang asawang si Maria Braga Lacson. Si Don Mariano na may dugong Pilipino-Kastila o Español ay isa sa mga nanguna noon sa industriya ng asukal at nagmamay-ari ng napakalawak na mga taniman ng tubo at pagawaan ng asukal. Si Maria naman ay isang Portugis mula sa Macau. Ang mansyon na kanyang ipinatayo ang siyang pinakamagara at pinakamalaking bahay sa buong lalawigan noon. Nakapaloob dito ang mga pinakamagaganda at pinakamamahaling mga mwebles at kagamitang pambahay na nagmula pa sa iba’t-ibang bahagi ng mundo. Sa labas naman ay matatagpuan ang napakagandang hardin na mayroong napakagarang fountain.
Pinangunahan ng isa sa mga anak ng don ang pagtatayo ng gusali na ginamitan pa ng pinakamatitibay na kahoy at pangunahing uri ng semento at iba pang mga materyal. Sinasabing hindi mabilang na itlog ng manok ang ginamit upang pakintabin ang mga dinding nito. Hanggang sa ngayon ay damang-dama pa ng mga palad ang kinis ng mga dingding sa ilang bahagi ng gusali.
Bagamat ang gusali ay itinayo sa ngalan ng pag-ibig, iginupo naman ito ng galit at poot noong panahon ng digmaan. Ayon sa salaysay ay sinunog ito ng mga gerilyang Pilipino diumano sa utos na rin ng Don upang ito ay hindi mapakinabangan o magamit bilang himpilan ng mga sundalong Hapon. Sa sobrang tibay at tatag ng gusali ay makailang ulit nila itong sinubukang sunugin ngunit nagtagumpay lamang sila pagkalipas ng tatlong araw. Pinaghalong langis at gasolina ang naging katapat ng makakapal na sahig na kahoy at bubungan na natupok ng lubusan pagkatapos ng tatlong araw na lagablab ng apoy. Subalit ang napakagarang hagdanan, ang mga haligi at dingding ay nanatiling nakatayo hanggang sa ngayon.
Answers & Comments
Answer:
The Ruins Mansion
Explanation:
Located @ Talisay City Negros Occidental
Answer:
THE RUINS
LOCATED;TALISAY,NEGROS OCCIDENTAL
Explaination;