Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na halimbawa. Kilalanin kung anong uri ng kaalamang-bayan ito napabilang. Piliin ang titik ng tamang sagot sa loob ng kahon.

a. Awit/Tulang Panudyo
b. Bugtong
c. Palaisipan
d. Tugmang de Gulong

1. Ako'y tutula, mahabang-mahaba, ako'y uupo, tapos na po.
2. Sa duklay ng isang sanga, limang ibon ang kumanta, lumipad ang isa. Ilan ang natira?
3. Paano tatawa ang dalagang hindi makikita ang kaniyang ngipin?
4. Sa pagtaas ng gasolina, kaming mga drayber ay naghahabol ng hininga.
5. Si Anna ay napakaganda pero kung tumayo ay parang nakaupo.
6. May isang prinsesa, sa tore nakatira, balita sa kaharian ang pambihirang ganda, bawal tumingala upang siya ay makita. Ano ang gagawin ng binatang sumisinta?
7. Sitsit ay sa aso, katok ay sa pinto, sambitin ang "para", sa tabi tayo'y hihinto.
8. Mga pare, please lang kayo'y tumabi, pagkat dala ko"y sandatang walang kinikilala - ang aking manibela.
9. Ikaw ay isang lalaking matapang, huni ng tuko ay kinatatakutan.
10. Tatay mong bulutong, puwede nang igatong, nanay mong maganda, puwede mong ibenta.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.