Buhay natin ay isang regalo ng Maykapal. Kung minsan sa buhay natin hindi natin ito napahahalagahan. At sa buhay na namalagi ako sa mundong ito marami akong pinasasalamatan at masaya ako dahil naging bahagi ako ng isang mundong natuto akong maging masaya, malungkot, matakot at maging matapang.
Sa loob ng walumpu’t walong taon na namamalagi ako sa mundong ibabaw na ito, marami akong natutunan na naibahagi ko na rin sa aking kapwa. Siguro kung aabot pa ako sa isang daang taon na siyang ninanais ng bawat isa sa atin ay marahil igugugol ko ang aking mga sandali na ibahagi kung ano ang kayamanang mayroon ako.
Marami akong nais iwan sa mundong ito, nais ko na makatulong pa ng lubusan sa ating mga kababayan na lipos-dalita. Gumawa ng mga kanais-nais na gawain sa lipunan na maaaring makatulong sa paglago at pag-angat ng ating ekonomiya. Siguro kung mas marami pang pagkakataon nais kong ipagpatuloy ang pagbabahagi ng salita ng Diyos sa bawat isa sa atin upang hindi malimot kung ano nga ba ang ating halaga at misyon dito sa paraisong inilaan Niya sa atin. Nawawaglit na sa ating isipan kung minsan ang mga mahahalagang bagay na kailangan nating pagtuunan sa ating pang-araw-araw na buhay.
Ngayon nais kong iparating sa mga taong naging bahagi ng aking buhay ang pasasalamat at kasiyahang aking nadarama dahil naging malaking ambag sila sa paglago ng aking pagkatao. Ang aking pagkatao na noo'y mahina ay unti-unting naging isang kawayan na nanatiling tumatayo dumating man ang oras ng pighati, kalungkutan at kawalang pag-asa. Oo nga't musmos pa lamang ako ay parang pinuno na ang buhay ko ng kalungkutan ngunit may mga tao pa rin na andyan para sa akin upang pawiin ang bawat pagpatak ng luha sa aking mga mata. Ang mga dahilan kung kaya't sumisilay ang ngiti sa aking mga labi.
Nais ko ding pasalamatan ang aking mga magulang na nariyan sa bawat oras ng aking kasiyahan, kalungkutan, at tagumpay. Sila lang naman ang gumagabay at tumataguyod sa aking pag-aaral na naging dahilan upang ako'y maging isang ganap na guro. Lubos ang aking kasiyahan sa mga hagod ng kanilang pagmamahal sa akin. Kung kaya't kung may maiiwan man ako sa mundong ibabaw na ito ayaw kong makikitang may lungkot sa kanilang mata kung ako'y lilisan sa isang buhay na kanilang iningatan simula pa noong ako'y isinilang.
Sabi sa kanta ng Buklod, “Pana-panahon ang pagkakataon, maibabalik ba ang kahapon?” Paano babalikan ang kahapon kung ang kahapon ay isang pahina lamang sa panahon, kung ang panahon ay isang kabanata lamang sa kasaysayan, kung ang kasaysayan ay patuloy pa ring inaakda natin? Kung maibabalik ko nga lang ba ang kahapon, nais kong itama ang lahat ng aking pagkakamali sa aking pamilya, kaibigan at sa ating Panginoon.
Oo nga't kaybilis ng panahon at minsan hindi natin masasabi kung kailan magwawakas ang lahat. Kung kaya hangga'tmay buhay pa tayong nalalasap sana ibigay na natin ang lahat ng kabutihan na mayroon sa ating sarili upang ganap tayong maging maligaya at karapat-dapat Kaniyang kaharian.
Answers & Comments
Answer:
"Elehiya ng aking Buhay"

Explanation:
di ko po alam kung tama poem po ata yun