Naisipan kong maghalungkat ng mga lumang papeles at natagpuan ko itong si Lope K. Santos (1879–1963). Si Santos, na isa sa mga dakilang tao na maipagmamalaki ng Pasig, ay mahusay na makata, nobelista, kritiko, sanaysayista, editor, dalubwika, organisador, at peryodista. Bukod dito’y naging gobernador din siya ng lalawigang Rizal (1910–1913) noong ang Pasig ay hindi pa kabilang sa Metro Manila. Pagkaraan, nahirang siyang senador ng ikalabindalawang distrito, at umakda ng mga batas na nagpapahusay sa kalagayan ng mga manggagawa.
Masinop si Santos sa wika at sa pagkasangkapan ng mga talinghaga. Kahit ang simpleng tula hinggil sa kaniyang bayan ay nalalangkapan ng pagbabalik sa kasaysayang mahirap matagpuan sa kanonigong kasaysayang malaganap sa bansa. Heto ang isang halimbawang tulang pinamagatang “Pasig” (1930) na naglalangkap ng alamat, kasaysayan, pag-iral, at pangarap upang ang kinabukasan ay maging maaliwalas para sa lahat ng Pasigenyo
Answers & Comments
Answer: