Answer: Marami ang sa aki’y natutuwa, pisngi ko’y kinukurot,
natutuwa sila sa siksik na damit kong paboritong isuot.
Tanong nila, ano raw ang sekreto sa katawang malusog?
Sabi ko, kasi lagi lang naman akong sa pagkain ay busog.
Bilin ni Nanay ay laging kumain ng paboritong gulay,
mula sa kalabasa, ampalaya, at paborito kong malunggay.
Kailangan din siyempre ay mayroong mga prutas,
na gustong-gusto ko namang gawing aking panghimagas.
Sustansya din ng inumin dahilan ng paglusog ko,
mula sa gatas, at pag-inom ng tubig hanggang walong baso.
Mga pampalakas na pagkain tulad ng mais at keso,
kailangan ng katawan upang tumibay ang mga buto.
Pagpili ng pagkain ay tunay na mahalaga,
kung nais ang katawan ay lumusog at sumigla.
Malusog na pagkain para sa mga bata at matanda,
kung nais mong mabuhay nang matagal at mahaba.
Explanation:
Hope it helps >.< :)
Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.
Answers & Comments