Answer:
Anong Ambag Mo?
Di makita ng mata, kumakalat ngunit walang paa
Tila turistang galing China, mundo ay nalibot na
Sa taglay na liit, naghahari ang bagsik
Pinupuksa ng pilit, covid 19 pandemic
Kagutuma'y umusli, maraming nasawi
Sa silanga't kanluran, umusbong ang rally
Lockdown at quarantine, tahasang pinanatili
Sa rasyon ng gobyerno, nakaabang ang marami
Trabaho'y nahinto ng panandalian
Para sa kapakanan, para sa kaligtasan
Pagtalima sa utos ang tanging kailangan
Upang krisis malunasan, pangamba'y matuldukan.
Katawang dinadaluyan ng mikrobyong kaaway
Patuloy na ginagamot, ng mga bayaning mahuhusay
Susugpuin ang kalaban, handang ibuwis ng buhay
Luha man ang kapalit, sa pamilya man ay mawalay
Ikaw mamamayan, hiling sayo ay pagsunod
Disiplina sa sarili, marapat na itaguyod
Sa hamon ng mundo, isa ka sa solusyon
May ambag ka, may silbi ka, sa ating pagbangon
Nais ko ng pag asa, sa sarili'y sisimulan
Nais kong makatulong, mananatili sa tahanan
Nais ko ng paghilom, taimtim na magdarasal
Sa may ari ng lahat, ang Poong Maykapal.
Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.
Answers & Comments