Tukuyin kung anong uri ng pang-abay ang may malalaking letra sa pangungusap? Pilitin ang sagot. A. Pamamanahon B. Panlunan C. Pamaraan 1.MABAGAL lumakad ang pagong. 2.Nakatulog si tatay sa SALA. 3.Ang lolo ay DAHAN-DAHANG tumawid sa kalsada. 4.Nagsisimba ang mag-anak TUWING LINGGO.
Answers & Comments
Answer:
1. C
2. B
3. C
4. A
Explanation:
ANO NGA BA ANG MGA ITO?
PAMANAHON
-Pang abay na nagsasaad kung kailan ginanap, ginaganap, gaganapin ang sinasabi ng pandiwa sa pangungusap
PANLUNAN
-Pang abay na tinatawag na pariralang sa kumakatawan ito sa lugar kung saan ginagawa ang kilos
PAMARAAN
-Pang abay na sumasagot sa tanong na paano ginanap, ginaganap o gaganapin ang sinasabi ng pandiwa sa pangungusap